REIGN.
"IN LOVE AKO, 'DI KO LANG ALAM KUNG KANINO."
Bigla akong napatakip ng bibig para magpigil ng tawa. Nasa loob ako ngayon ng bus at pauwi na sa unit ko. Linggo ngayon at kagagaling ko lang sa agency nila Lyle para ibigay ang revised paper namin.
Simula nang mangyari ang nangyari kahapon na hinabol kami ng mga fans niya, hindi na ako kinita pa ni Lyle.
Kumalat ang mga litrato namin kinalaunan. May mga article pa nga na lumabas na nag-d-date raw kami pero dahil akala nila minor ako, they blurred my face at thankful ako roon.
The same day, inasikaso ng company ni Lyle ang issue. They paid them to take down the articles at nag-release ng press statement na hindi kami nag-d-date. They cleared up na school-related iyon at currently single si Lyle.
Noong umaga bago mangyari 'yon ay nag-iisip pa ako kung magsusuot ako ng sumbrero o hindi. Awa ng Diyos ay ginawa ko at hindi masiyadong kita ang mukha ko sa mga kuhang litrato ng mga kapwa namin customer that time. Nakatalikod pa nga ako kaya sobrang safe.
After it all happened, Lyle became aloof. Pinakasakay niya ako sa kotse niya at hinatid ako ng driver niya sa unit ko at iyon na ang huling beses na nakita ko siya. Kinaumagahan kasi, hindi na siya nag-r-respond sa mga messages ko. Hindi niya rin na-s-seen, pero delivered sila.
Ang malala, nakakapagpost pa siya ng litrato ng pusa niya sa Instagram, obvious na ini-ignore niya lang talaga ako.
His manager contacted me in the afternoon, saying siya na raw ang magiging medium namin ni Lyle tungkol sa research paper. Tapos na raw gawin ni Lyle ang part niya at ginawa ko ang akin. I went to the agency to get the materials, maging siya raw kasi ay ayaw na reply-an ni Lyle para ibigay ang file.
Todo sorry nga 'yong manager niya sa akin. Ganoon nga daw talaga si Lyle, minsan nga raw 'pag wala siyang schedule, naka-zoom out talaga siya sa mundo.
Tiningnan ko ang oras at alas nuebe na rin pala ng gabi. Bumuntong-hininga ako, isinuot ang earphone k, at tumingin sa bintana.
"IN LOVE KA PERO 'DI MO ALAM KUNG KANINO?!" natatawang ulit ni Braelyn sa sinabi ni Nash. Magkatawagan kaming tatlo para magkumustahan. "BAKLA KA!"
Lalo akong natawa at nakisali na. "Imposible namang in love ka pero hindi mo alam kung kanino, 'no."
"Bawal ba?" tanong ni Nash sa kabilang linya. "Dapat ba sa tao lang tayo in love? Can't we fall in love with the scenery, with a certain song, or a scent of coffee? Mga ganoong bagay."
"Asus," biro ni Braelyn. "May nangyari ba sa meeting n'yo ni Levi? Baka na-fall ka na r'on?! Babaero 'yon???"
"As if papatol sa 'kin 'yon at as if papatulan ko siya? Suntukan puwede pa."
Napahalakhak ang dalawa at ako ay todo pigil dahil baka ma-istorbo ko ang mga kapwa ko pasahero.
"Pero hindi ka ba na-cu-cute-an kay Levi lately?" tanong ko. "Parang nag-m-mature na siya, 'no? Hindi na siya ganoon ka-ingay. Hindi na masiyadong nambwibwisit. As what I heard, he rarely meets girls na rin."
"Baka he's into boys na," pakikisali ni Braelyn. "I mean, Nashville came so..."
"GAGO KANG PANDAK KA?!" galit na sabi ni Nashville na ikinatawa namin lalo. "But I agree. He's not as annoying as he was before. I don't know, I find him manly lately."
Napatakip ako ng bibig. "Girl..."
"Bitch is in love and it show..." dagdag ni Braelyn.
"In love ba 'pag ganito?" seryosong tanong ni Nash.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"