PART ONE: THE CASE'S LAST ACE

130K 6.9K 13.8K
                                    

"START NA PO?"

Sa loob ng isang kwartong bahagya ang dilim ay makikita ang isang lalaking bagsak ang buhok at nakasalamin na bilog. May katangkaran ang binata at tama lang ang pangangatawan.

Tumango ang nasa harap nito at ini-ayos ang camera.

"Let's start with your name," sabi ng lalaking detective.

"Greysen," sagot ng lalaki. "Greysen Finch. They call me Grey, whichever they comfortable."

"Missi," sagot naman ng isang babaeng maamo ang mukha sa isa pang video. "Mississippi Smith ang full name ko but please don't ask me to spell it out, it's exhausting, officer."

"Levi Hudson," sagot naman ng isang lalaking naka-suot ng itim na polo at bukas ang apat na butones sa isa pang video. "Hindi ka ba mahilig manuod ng TV, officer? I'm all over the advertisements."

"Braelyn Yngrid po," sagot ng babaeng may hawak na iPad at nakangiti sa isa pang bukod na video. "Ano pa po need niyo?"

Sa isang video naman ay isang binatang puno ng pangamba ang mukha.

"Kapag po ba... sinabi ko ang pangalan ko, ma-pro-protektahan ninyo ako?" tanong nito.

"Bakit?" tanong ng detective.

"T-To tell you honestly..." nakagat nito ang labi. "Trainee po ako ng isang talent agency at... at naka-set po ako mag-debut sa isang boy group this year. Kung... kung madadawit po ang name ko baka... baka maging issue pa."

"I'll try to help you but you have to help us too," sagot ng detective. "Let's start with your name."

Bumuntong-hininga ito ng malalim.

"Nashville Burlington. They call me Nash sometimes."

"Reese Turner," sagot ng babaeng may maikling buhok at may kulay ang ilalim. Naka-suot ito ng itim na leather jacket at may lollipop ang bunganga. "Turner like you spin my head right round, right round, when you go down, when you go down down."

Tumawa ito nang malakas at hinahampas pa ang table sa sobrang tuwa sa sarili niyang biro.

"Sorry officer, sorry," sabi nito at natawa uli. "That was hilarious!"

"Why do you need my name?" taliwas sa malalakas na tawa ni Reese ay napakaseryoso naman ang susunod na video clip. "Officer, ini-interview—or interrogate ninyo kami without the presence of a lawyer and mind you, minors kami. Are you... trying to pin us with this murder case, huh?"

"Hindi naman sa ganun, miss. Hindi kayo suspects. Kailangan lang namin tingnan ang iba't ibang anggulo na makatutulong para ma-solve itong kaso. Kaya nakiki-usap kami na makipagtulungan kayo. 'Wag kang mag-alala, lahat ng mga kaklase mo at iba pang mga tao sa party ay hinihingan namin ng impormasyon."

Umirap ang babae at bumuntong-hininga.

"Everleigh Miller," sagot nito. "They call me Leigh. Their choice."

"Nasaan ka nang mangyari ang krimen?" tanong ng detective.

"Ako po?" tanong ni Braelyn. "Uh... naniningil po."

"Naniningil?" tanong ng detective. "Para saan?"

"May play po kasi kami bago iyong championship. Allowance ko po kasi iyong ginamit so... naniningil lang po ako."

"In a party?" tanong ng detective.

"Opo," sagot ni Braelyn at ngumiti nang awkward. "Masiyado po bang... sigurista?"

"Nasaan ako n'un?" tanong pabalik ni Missi. "Naghahanap ako ng signal that time, eh. Tinatawagan ko si mama."

"Bakit mo tinatawagan ang mother mo?" tanong ng detective. "Did something happen?

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon