PART ELEVEN: "12-A's Deduction Show."

96.8K 5.9K 8.1K
                                    

"I'M GAY."

I stared at him for a really long time with my eyes wide opened.

I can hear nothing aside from my loud heart beat. Sa sobrang lakas ng kalabog niyon ay para bang lalabas na iyon mula sa dibdib ko.

Narinig ko naman ang sinabi niya. But why does my system refuse to acknowledge it?

There's nothing wrong in being gay but I never expected it from Nash.

"Now, think whatever you wanna think about me, wala na akong pakialam," namumula na sabi ni Nash. "Basta bakla ako. Wala nang magbabago pa r'on."

Lasing ito. Lasing pa rin ito at halatang-halata iyon.

"I-chismis mo man ako or what, bahala ka na," dagdag niya at pansin kong frustrated ito. "I'm done with everything."

Kung dapat ba akong kabahan dahil walang pakundangan niyang inamin sa 'kin ang bagay na kayang ikasira niya at ng career niyang nag-uumpisa pa lang o dahil ba alam kong hindi lang ako ang nakarinig ay hindi ko na alam.

Sa likod ni Nash ay naroroon ang isa pang taong hindi sinasadyang narinig ang lahat.

Isang tao na hindi mo mabasa ang ugali dahil blangko ang mukha nito parati kaya hindi mo alam kung ano ang takbo ng isip niya.

At iyon ang nakakatakot—hindi mo alam kung paano siya maglaro.

May hawak itong mga inumin at wala man lang bahid ng pagkagulat ang mukha dahil sa narinig.

Lyle Xavier Heimsworth was just behind Nash and was listening without even moving a single nerve after hearing Nash's naked truth.

I wanted to warn Nash but I can't even open my mouth to begin with. Papalit-palit ang tingin ko kay Lyle at sa kanya at ramdam na ramdam ko ang nerbiyos.

"Now, Reign, I have nothing more to explain," Nash said and for the first time, I saw pain in his eyes. "Kung lalayuan mo ako dahil bakla ako, go on."

Nash turned his back aggressively and the moment he did, he literally stopped and he almost fainted when he saw Lyle just behind him.

Ang kanina niyang pulang-pula na mukha ay halos mawalan ng dugo. Kita sa mukha niya ang pagkabigla at halatang hindi niya malaman ang gagawin.

"L-Lyle..." nauutal niyang bulong. Bakas sa boses ni Nash ang kaba at pagkabigla.

Lumingon sa akin si Nash at halatang hindi niya malaman ang gagawin.

"K-Kanina ka ba r'yan?" tanong ni Nash at halos manlumo siya.

On the other hand, Lyle, like the usual, had no trace of emotion or even a little bit of interest on his face. He stared at Nash for few seconds and that few seconds felt like a decade.

He heard it.

Alam kong narinig niya ang lahat—loud and clear.

Question is, anong gagawin niya?

What this Heimsworth can do with that information?

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon