PART FORTY-SIX: Exposing Grey's Secret

72.1K 4.9K 7.6K
                                    

REIGN.

"Reign, I'm sorry."

Tiningnan ko si Levi. Malungkot ang mukha nito at puno ng galos ang braso. May kaunting kalmot ito sa mukha at buti na lang ay hindi iyon masiyadong malalim.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng police station. Nahuli ang mga lalaki na nakaaway namin at naayos na ang lahat.

The situation blew up apparently. In fact, napakaraming reporters sa labas ng police station at hinihintay lumabas si Lyle at Levi. Kaya nga sinusundo si Levi ng manager nito ngayon at ang manager naman ni Lyle ay papunta na.

"Okay lang," sagot ko kay Levi at tipid na ngumiti. "Salamat, Levi. Ingat ka sa pag-uwi."

Tumango ito at tiningnan si Grey at Lyle. "Una na ako, ha. Ingat kayo."

Tumango lang si Lyle at si Grey ay tulala pa rin. Tinapunan ni Levi ng huling tingin si Grey bago siya nagsuot ng sumbrero at nag-mask. Nang lumabas siya ay rinig namin mula sa loob ang tunog ng mga camera at ang kaliwa't kanang tanong ng mga reporter.

Kami na lang nila Lyle at Grey ang natira sa loob pagkatapos. Walang nagkikibuan sa amin. Tapos na kaming ma-interrogate at ang iba pala sa mga lalaking nakaaway namin kanina ay mga wanted din.

I looked at Grey once more. Naaalala ko kung paano niya binugbog ang lalaki kanina bilang depensa sa amin. Seeing him now in that situation, alam kong maging siya ay nagulat sa ginawa niya. He almost killed him. Pero kung hindi niya iyon ginawa, baka ako na ang patay ngayon.

I gulped. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero may kung anong pumipigil sa akin. Na-g-guilty ako. Wala na akong ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng problema. I felt terrible.

Maya-maya lang ay dumating na ang mommy ni Grey. Kitang-kita ko ang pag-aalala nito. Ipinaliwanag ng pulis ang nangyari at galit na galit ito.

"Lyle, natawagan mo na ba ang mommy mo? Gusto mo sumabay sa amin?" tanong nito kay Lyle nang kumalma na siya at pinayagan nang dalhin pauwi si Grey.

Umiling si Lyle. "No, susunduin po ako. Thank you, tita."

"You take care, okay?" sabi nito at hinaplos ang buhok ni Lyle.

Nang sa akin na dumapo ang tingin niya ay huminga siya nang malalim. I can't tell if she was mad or worried.

"Let's go to the hospital," ibinaling niya ang paningin niya kay Grey. "Baka nagka-fracture na 'yang kamay mo."

Grey was emotionless the whole time. Tulala lang ito at hindi kumikibo. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Habang naglalakad na sila palabas ay hindi ko na napigilang tumayo at tawagin ang pangalan ni Grey. Lumingon siya pati ang mommy niya.

"Salamat," sabi ko at malungkot na ngumiti. "Salamat nang marami."

Grey remained emotionless at first until he looked deeply into my eyes. From that moment, despite the pain crippling deep within him, Grey smiled weakly at me too.

"Mag-iingat ka parati," tipid niyang tugon.

Just when they left, the door opened again. Dumating na ang manager ni Lyle at alalang-alala rin ito. Nag-panic ito nang makita ang kalmot sa ilong niya at ang gilid ng labi niya na pumutok dahil sa suntok. Sira na rin ang ilang butones ng uniform niya.

Habang kinakausap ng manager ang mga pulis ay umupo si Lyle sa tabi ko.

"Do you want me to stay here?" He asked while looking at the floor, his voice was as calm as the sea.

Tiningnan ko siya at umiling. "Okay lang ako."

"Kahit hanggang dumating lang ang guardian mo," sagot niya at tiningnan din ako.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon