STAY ALIVE TEASER

78.8K 4.4K 2.2K
                                    

After the downfall of the Eagle Cult, the sun has risen again.

To be honest, hindi iyon naging madali. Kapalit ng hustisyang matagal na naming ipinaglaban ay ang pagkawala ng mga importanteng bagay sa amin.

We lost our jobs. We lost our sanity.

Hanggang ngayon, pinipilit pa rin naming bumalik sa normal naming pamumuhay at i-redeem ang sarili namin.

It wasn't easy.

It will never be easy.

The Death Chasers won the war but deep within us, with the fall of the great Newt Dahmer, alam naming hindi iyon ganoon ka-fulfilling.

Kaya heto kami, sinusubukang i-enjoy ang buhay para kung pinanlnood man kami ni Newt ay masasabi niyang worth it ang sakripisyo niya at hindi siya mapa-"P*TANGINAAAA" kung nasaan man siya.

Napangiti ako nang tingnan ang group chat namin. Kitang-kita kung paano sinusubukang mag-heal ng bawa't isa.

Neska, who used to have this unlimited dumb bitch energy, became a judge.

Si Andrius naman ay nag-resign para i-fulfill ang pangarap niyang maging doktor. Balita ko, pumasok na siya sa med school.

Si Casper ay sakit ko pa rin sa ulo. Sa sobrang gusto niyang maka-move on kay Neska ay kung anu-anong kaso na lang ang tinatanggap niya para pre-occupied ang utak niya.

And the catch?

Pareho kami ng nakukuha. Kaya kung ilang beses na ba kaming nagharap sa korte at kinainisan ang isa't isa, hindi ko na rin mabilang.

Si Tyler at Avery naman ay parehong jobless. Ang alam ko ay nag-invest itong dalawa habang nililibot ang mundo. Sa yaman ng dalawa, alam naming 'di na namin dapat mangamba.

Si Traise naman ay lalong naging popular na doktor. Lumalabas na nga rin siya sa TV para sa mga consultations.

Si Courtney naman ay nag-resign sa trabaho niya para mag-focus sa pagbubuntis niya. Naging maselan kasi ang kalagayan niya.

In return, nag-focus siya sa dati na niyang pangarap—ang magsulat ng mystery-thriller novel—na dapat pala ay hindi na niya ginawa.

Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay doon nagsimula ang lahat.

Doon nagsimula ang bagong gulo.

Doon nagsimula ang bagong bangungot.

Kung ako ang tatanungin, isa lang ang naiisip kong naging puno't dulo nito.

SI HEINZ.

With the secrets that Heinz himself tried to conceal, our lives were at risk again.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya kalaban. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, we teamed up. Kung tama ba ang desisyon ko ay hindi ko rin alam.

"You will regret trusting me," he once told me. "I promise you will."

In the world where demons live among us, we must be vigilant.

We must trust no one.

And this time, we need to STAY ALIVE.

I am Aubrielle Baxter, the struggling yet hottest Prosecutor in town, and welcome to my world.

STAY ALIVE (Law Series #5)
Kill Me, Attorney Special Spin-off
December, 2021.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon