PART THIRTY-FIVE: Exposing Missi's Secrets

73.3K 5.4K 9.4K
                                    

THIRD PERSON POV.

Huminto ang itim na kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Tiningnan ni Missi ang labas at nang makita ang mommy niya na nasa gate ay tsaka siya tumingin sa lalaking katabi niya. Half-british ito at isang model.

"Starting tonight, wala na tayo. Do you understand?" she asked with a straight face.

"Alright," kalmadong sagot ng lalaki. "Anong sasabihin kong reason for break up in case magtanong si daddy?"

"Busy schedule, hindi tayo nag-click? Bahala ka na. Magaling ka naman sa paggawa ng kwento, ikaw na ang bahala."

Bahagyang natawa ang lalaki. "How about the payment for acting as your boyfriend? One month din 'yon."

Missi sighed. "I-d-deposit ko na lang bukas. With bonus para hindi ka na umangal, okay ka na?"

"Very much," sagot ng lalaki at ngumisi. "Bakit ba nag-hire ka pa ng tao to act as your boyfriend? With your beautiful face, someone will do it for free. It just happens na kailangan ko ng fund my new car kaya tinanggap ko ang bayad mo."

"Siguro kung hindi ka lang pakialamero, your parents won't cut your cards," sarcastic na sagot ni Missi. "Kung ano man ang reason ko, wala ka na roon. Just do your job and keep your mouth shut. Don't communicate with me from now on. 'Wag mo rin akong banggitin sa mga interviews mo. Bye."

Binuksan na ni Missi ang pinto ng kotse at lumabas. Hindi na niya ito nilingon pa at tuluy-tuloy na lumapit sa mommy niya na nasa gate.

"Bakit ngayon ka lang? It's late. Tara sa loob, hinihintay ka ng daddy mo."

Inakay siya ng mommy niya at isinara na ang gate.

Habang naglalakad ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ni Missi. For the past months, she felt like dying because of the pressure. Sobrang taas ng pamilya niya na pati siya ay hindi ito maabot.

Dumating pa siya sa punto na nag-hire siya ng lalaking nasa mataas din na antas ng lipunan para maging boyfriend niya. Gusto niyang ma-impress ang daddy niya sa kaniya. She needed his validation. She needed to be worthy of her luxurious life.

Naunang pumasok ang mommy niya at nahinto siya nang makita ang isang kasambahay.

"Kumain na ho ba kayo, ma'am?" tanong nito sa kaniya.

May edad na ito pero mas matanda tingnan kaysa tunay nitong edad. Dala na rin siguro ng kahirapan.

"Why do you care?" tipid na sagot ni Missi at tiningnan ito nang masama.

Hindi nakakibo ang kasambahay at tumingin na lang sa lapag. Iniwan ito ni Missi sa ganoong kalagayan. Saktong pagpasok ni Missi sa sala ay nakita niya ang daddy niya na nasa sofa. Pilit siyang ngumiti at nilapitan ito.

"Daddy..." tawag niya rito. Mula sa pagkakatingin sa laptop ay tiningnan siya nito.

Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang isang papel. Certification iyon mula sa shooting club na sinalihan niya last year. Kinuha niya iyon sa P.E faculty dahil kung sino man ang makakakuha niyon ay for sure, malalaman ang sikreto niyang sobrang tagal na niyang itinatago.

Inilahad niya ang certification sa daddy niya at muling ngumiti.

"Nakuha ko na po. Safe na po lahat," kinakabahang sabi niya rito.

Kinuha ng daddy niya ang papel. Ang mommy naman niya ay kabado rin sa magiging reaction ng daddy niya.

"Let's talk upstairs," kalmadong sagot ng daddy niya.

Umakyat ito at iniwan sila roon. Nagkatinginan naman sila ng mommy niya at bakas sa mukha nito ang takot.

"It's okay, honey. Go upstairs," panghihikayat nito.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon