PART THIRTY-THREE: Sacrifice The Pawn

66.6K 5.8K 13.6K
                                    

Si Ellie ay si Missi.

Napapikit ako nang mariin at napasandal sa upuan ko. Nasa klase ako ngayon at nakatulala lang kay Missi. Nag-l-lecture ang teacher namin sa Contemporary Arts From The Region at ni-isa ay walang pumapasok sa utak ko.

Ang mission ko ngayong araw ay hanapin kung sino ang marunong bumaril sa 12-A. Through Reese, I found out na mayroong isa na nag-take pa ng private shooting lessons at member pa ng isang shooting club. Marunong nga raw ito bumaril kahit short range man o long range. Professional ito kung tutuusin.

Hinala kasi ni Detective Howell at Prosecutor Jax ay isa sa 12-A ang gumawa niyon. Nang mag-imbestiga kasi ang detective na humawak ng kaso ay napag-alaman nilang ang itim na kotseng sinasakyan ng taong bumaril kay Cedrick na siya namang tumapos kay Detective Hazel, ay huminto sa isang maliit na sari-sari store para bumili ng sigarilyo.

Ang kaso, matanda ang nagbebenta at hindi na matandaan ang hitsura ng tao. Ang natatandaan niya lang ay kabataan ito. Pinakitaan nila ito ng mga litrato pero hindi na niya talaga matandaan. Hindi nga rin niya masabi kung babae raw ba ito o lalaki dahil sa suot nito. Wala ring CCTV sa tindahan o kalapit na lugar. Distorted rin ang plate ng kotse nito na halatang dump car lang. Matalino ito, aminado sila.

Kaya ang lead nila tungkol sa suspect ay isang kabataan, marunong mag-drive, at naninigarilyo. Isa pa, alam nito ang kaso ni Miss Jess base sa phone call naming dalawa. Inamin niyang siya rin ang pumatay kay Miss Jess at nasa West Carson High lang siya.

Sinu-sino ba sa 12-A ang fit sa mga clues?

Hindi pa sila nagpapakita ng tunay nilang ugali kaya sobrang hirap na magturo. Besides, they can act well. They can easily fake things.

Kaya pinagtuunan ko kung sino sa kanila ang marunong bumaril. You can fake your attitude but you can't fake your skill. I worked about it the whole night and I was informed na last year ay may extracurricular activity sila at isa sa kanila ang nakakuha ng highest grade dahil nga naging miyembro ito ng shooting club.

So I went to the P.E faculty to steal that paper. Right when I was about to take it, Missi came in. She was panicking. She took that paper and stormed out as if her life depend on it.

Lahat ng students sa 12-A ay nakita ko ang records about their extracurricular. At instead na pangalan ni Missi ang nakalagay sa nag-iisang papel na natira, Ellie ang naroroon. The catch, that paper was a certification from a shooting club.

Does that mean, si Missi ay si Ellie?

Imposibleng sa dati nilang classmate ang certificate na 'yon. Mayroon akong copy ng master's list nila simula Junior High School at ni-isa ay walang may pangalan na Ellie, kahit second name man lang.

Tiningnan ko ulit si Missi. Kinukulot niya ang ibabang buhok niya habang may nginunguya na kung ano. Kumikinang din ang labi niya dahil sa shade ng liptint na ginamit niya.

Totoo bang slow si Missi or ginagawa niya lang iyon para linlangin ang lahat? Para hindi siya paghinalaan sa kung ano mang ginagawa niya dahil mukhang hindi siya capable?

Could she be the letter E all along?

Ang sakit sa ulo!

Iniisip ko pa lang kung paano ko 'to gagawan ng narrative report mamayang gabi, pakiramdam ko lalagnatin na 'ko.

"Hey, trans!"

Mabilis akong napatingin sa gilid ko at mukha agad ni Levi ang bumungad. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko na para bang close kami.

"Ba't dito ka umupo?" tanong ko. "Ang daming upuan."

"Ito pinakamalapit sa pinto," kaswal niyang sabi. "Besides, wala namang seating arrangement sa subject na 'to. Ano bang ikinagagalit mo?"

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon