REIGN.
"KAPE KA NANG KAPE. BAKA PATI DUGO MO, PURO NA KAPE."
Nasamid ako sa iniinom kong iced coffee nang marinig iyon mula kay Prosecutor Jax. Magka-video call kami dahil may ipapakita raw siya. Turned out, crime scene iyon at patay na ang nagtangka kay Hale noon sa kulungan.
The news blew up this morning. Noong sinabi nilang suicide at nakilala ko ang lalaki ay nagduda na agad ako. At heto, tama nga ang hinala ko. He was killed and even left a clue—a letter e.
Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada bago sumagot. Kasalukuyan kasi akong papasok ngayon sa school.
"Nag-aaral ako para makabili ng kape at nagkakape para makapag-aral. It's a win-win benefit for us, Prosecutor," pabiro kong sagot.
Halakhak ni Prosecutor Jax ang sunod na maririnig. I even turned the volume a little bit down dahil ang lakas niyang tumawa.
"What do you think?" tanong nito kinalaunan. "Any idea about letter e?"
Tiningnan ko ang paligid.
"E as in ewan? Ende ko alam? Enge help?" sagot ko at humigop sa iced coffee. "Prosecutor, pwedeng mamaya na lang po? Baka kasi ma-snatch 'yong phone ko, ano po?"
"May mukhang snatcher ba riyan? Sumbong mo sa 'kin, ako na t-trabaho," pagbibiro nito.
"Para ka namang sugar daddy niyan, kaya type ka ni Reese e," natatawa kong sabi. "Wala naman po. Pero anong malay natin? Hindi na basehan 'yong pagiging 'mukhang' magnanakaw to determine a magnanakaw, 'no? 'Yong iba nga edukado tapos nasa gobye—"
Muli itong natawa. "Magpayong ka nga. Inuulan ka ng trust issues."
Ako naman ang bahagyang natawa. "Ano na pong plano n'yo niyan?"
"Well, may isa pa kaming way. 'Yong asawa niya na pumuntang Palawan. Few hours from now, nandoon na sila. May mga agents na naka-stand by sa babaan ng cruising and we're planning to go there."
Napahinto ako at tiningnan siya. Doon ko napansin na airport pala ang background niya.
"Don't tell me nasa airport kayo ngayon?"
Tumango si Jax at ipinakita si Howell sa tabi niya na natutulog. "1 hour and 13 minutes lang naman ang flight. We just need to make sure na kami ang unang makaka-usap ng babae. Mahirap nang masalisihan."
Tumangu-tango ako at nagsimula uling maglakad. "Sa 'kin po? May specific mission po ba ako?"
"For now, just... observe and report if there's something unusual. Alam ko research week n'yo ngayon kaya mag-focus ka rin muna riyan. The situation is for adults like me to handle. Masiyado itong madugo so stay out of it for now."
Nag-usap kami nang ilang minuto pa hanggang marating ko ang gate ng school at nagpaalam na. Saktong pagkabulsa ko ng phone ko ay may biglang bumusina sa akin. Pagtingin ko ay itim na kotse iyon at bumukas ang bintana. Mukha ni Missi ang bumungad. Naka-full make up ito at nakasuot pa ng itim na sunglasses.
"Move, loser!" sabi nito.
Gumilid ako at ngumiti siya.
"There."
Before the car moved and her window closed, I saw she was with someone. Isang lalaking mukhang british ang nag-d-drive at mukhang ka-edad lang namin ito.
Nang pumasok ang kotse sa loob ng school ay doon ko lang napagtanto kung sino iyon—'yong hot na half-british na dini-date ni Missi!
Napatakip ako ng bibig.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"