PART FORTY-NINE: CATCH ME, ATTORNEY

82K 5.4K 10.1K
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains violence. The author does not glorify it in any means. Reader discretion is advised.

"LET'S START THE FUN!"

Umalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong bahay kasabay ang malakas na tugtugin at hiyawan ng mga tao.

Sa bawat pagsayaw nila ay kita ang kasiyahan. May ilang mga halos tumumba na dahil sa epekto ng alak ngunit marami pa rin ang nagsasaya na animo'y wala nang bukas.

Nagkalat ang mga confetti sa paligid. Kaliwa't kanan naman ang mga lamesa para sa pagkain at inumin. May mga tao na nag-uusap lang sa unang palapag, mga sumasayaw at nakikigulo sa ikalawang palapag, at sa ikatlong palapag naman ay mga kuwarto.

Sa dingding ng bahay ay may nakakabit na mga tarpaulin. Kung babasahin, malalaman mo kaagad ang sanhi ng pagdiriwang.

"West Carson High, National School Sports Competition (NSSC) All Sweep Champions in Season '92," pagbabasa rito ng isang lalaking naka-upo sa gilid at bumuntong-hininga.

Napatingin si Hale sa nagsalita. Si Nash iyon, ang kaklase niyang trainee ng isang talent company at nangangarap maging isang pop idol.

Hindi maiwasang mapangiwi ni Hale habang tinitingnan ito. Nakasuot ito ng beige-colored turtle neck sweater kahit na mainit ang lugar dahil sa dami ng tao.

Hale didn't like Nash. Well, hindi naman niya gusto ang lahat sa section nila. Para sa kaniya, mga spoiled brat sila at naiirita siya sa presensiya nila.

"Sa'n ka pupunta?" rinig niyang tanong ni Nash sa isa pa nilang kaklase, si Braelyn. Nag-uusap ang dalawa kani-kanina lang.

Ngumisi si Braelyn kay Nash. "Maniningil."

At maya-maya'y naglakad na ito papalayo. Pinanuod ni Hale kung paano isa-isang nilapitan ni Braelyn ang mga kaklase nila.

"Hoy, bago ka mag-twerk diyan, ambag muna. 850."

"Braelyn, hanggang dito ba naman???"

"Eight pipti!"

Napa-iling na lang si Hale. Isa pa itong kinaiinisan niya. Tingin niya ay plastik ito.

Pinagmasdam ni Hale ang paligid. Nagkakasiyahan ang lahat sa party na sa bahay niya idinaos. He felt proud. Nakatayo lang siya sa gilid at in-o-obserbahan sila.

May isa pa silang kaklase na dumating. Si Greysen Finch, ang class president nila. Lumapit ito kay Nash at nag-usap ang dalawa.

Kilala si Greysen bilang Ace ng school nila. Bukod sa natural intelligence na mayroon ito, athletic pa ito at mahusay makipag-kapwa. Laging laman ito ng mga quiz bee at laging nasa officers ng kung anu-anong organization. Nang minsan ngang nagkaroon ng popularity poll sa school nila ay nanguna ito.

The whole school loved Grey but not him. Masiyado itong malinis para sa kaniya, parang hindi ito tao. Ayaw ni Hale sa mga ganoon. Boring.

Nang mapansin ni Nash ang alak na nasa kamay ni Greysen ay napangisi si Hale.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon