PART TWENTY-TWO: Catch The Culprit

81.3K 5.8K 12.7K
                                    

"I wanna kiss you."

Lyle whispered in the most masculine yet soothing voice while looking at my eyes, to the bridge of my nose, and down to my lips.

"Right now..."

I gulped.

Hindi ko malaman ang gagawin. Sa sobrang kalabog ng dibdib ko ay pakiramdam ko'y nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Mula sa pagkakatingin sa labi ko ay umakyat ang tingin niya sa mga mata ko. Inilapit pa niya nang kaunti ang katawan niya sa akin dahilan para magdikit kami nang tuluyan.

Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa uniform niya dahil sa pawis.

"Reign..." bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Do you want to kiss me?"

Walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mukha niya nang sabihin niya iyon pero ang mga mata niya'y namumungay.

I gathered myself together and met his eyes bravely.

"Hindi mo ba ma-kontrol ang sarili mo?" tanong ko.

Lyle stared at me amusingly.

"You have no idea," he said. "Push me if you don't like, close your eyes if you do."

"Pwede bang—"

In a snap, Lyle wrapped his one hand around my waist while his other hand was on the wall, right beside my face.

Lalong nagdikit ang mga katawan namin. Pakiramdam ko ay nakuryente ako.

Hindi kumikibo si Lyle. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at bahagyang ngumisi.

"Do you feel me?"

I looked at him, didn't know what to react.

"Close your eyes," he said playfully. "Don't worry, no one will know."

Lyle tilted his head and started inching the gap of our face and I can hear nothing but my loud heartbeat.

Pero bago pa tuluyang may mangyari ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman ko ang unti-unti niyang paggalaw.

The next thing I knew, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya at natigil siya.

Bahagya ko siyang itinulak at sinapo namanniya ang pisngi niya at tiningnan ako nang masama.

"Siraulo ka ba?!" galit kong tanong. "Hindi lahat type ka, Lyle. Wala akong pakialam kung Heimsworth ka o kung sino ka man. Stop taking advantage of the situation, spoiled brat!"

Bubuksan ko na sana ang pinto nang higitin niya ako sa braso.

"But you liked it," he said.

"Wala akong sinabi," mariin kong sagot.

"I asked you. You didn't push me," he answered sharply too.

"Ngayon tinutulak kita," sabi ko at muli siyang tinulak. "Ayan!"

Hinigit niya ang dalawa kong kamay, ikinulong sa mga palad niya, at idinikit sa dibdib niya.

"You liked it at first," Lyle said, calm yet authoritative. "Nag-hesitate ka lang. Takot ka malaman ni Grey?"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"I told you, no one will know," Lyle followed.

"Maluwag na nga ata talaga ang turnilyo mo," sagot ko. "May something sa amin ni Grey. We're getting there. Paano mo... naatim 'tong ganito?"

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon