THIRD PERSON POV.
"PUTANGINA!"
Rinig ang boses na iyon ni Detective Howell nang makita niyang tumakbo palayo ang babaeng kanina pa nila minamatyagan.
Nagtatago sila sa likod ng isang kotse at minamatyagan ang bahay ni Jal Perez. Wala ito roon at hinihintay nila itong umuwi para direktang arestuhin.
Ngunit saktong pagdating nito ay lumingon ito na para bang may hinahanap. Aligaga ito at tuliro. Namumula pa nga ang mukha nito at pinagpapawisan. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay kinutuban ito at kumaripas ng takbo.
Mabilis na hinabol ito ni Howell kasama ang dalawa pang kapulisan. Nag-transmit siya gamit ang walkie talkie para contact-in ang kabilang unit na nasa malapit na vicinity lang.
"We need back up," sabi ni Howell sa kabilang linya habang hindi inaalis ng tingin kay Jal. "Do it as planned. Over."
Huminto si Howell sa pagtakbo habang ang dalawa niyang kasama ay hinahabol pa rin ito.
"Tabi!"
"Mga pulis kami, tabi!"
Nagtitilian ang bawat madaraanan nila. Itinutumba ni Jal ang mga madaraanan niyang bagay para mahirapan ang mga pulis na sundan siya. Mabilis itong tumakbo. Tuso talaga ito.
Imbis na sundan si Jal ay pumasok si Howell sa kabilang eskinita at doon tumakbo. May iba siyang plano. Hindi nila maaabutan si Jal dahil mukhang tinutulungan ito ng mga taong makalusot. Kitang-kita mo ang galit ng mga mamamayan sa pulis.
"Nakikita na namin siya, sir," rinig ni Howell na sabi ng kabilang linya sa walkie-talkie. "Waiting for command. Over."
"Huwag muna kayong magpapakita, baka mabulyaso tayo. Wait for my signal," sabi ni Howell at umakyat sa paitaas na hagdan.
Ang lugar ay isang eskinita na may bahay sa ibaba at mga bahay na paitaas. Tumakbo siya ng diretso at kalaunan ay nakita na niya si Jal sa ibaba habang siya ay tumakatabo sa itaas.
Humahalakhak ito habang tumatakbo dahil hindi na ito mahabol ng dalawang pulis. Huminto na ang dalawa at hinahabol ang hininga. Hindi na sila makasunod.
"Now!" utos ni Howell sa kabilang linya.
Sa pagkakataong iyon, hinarang ng police car ang labasan ng eskinita. Na-trap na si Jal dahil doon.
Nang makitang lumabas ang mga pulis sa kotse ay nataranta si Jal. Mukha itong iiyak na. Nakadungaw na ang mga taong nanunuod at pinagbubulungan ang nangyayari.
"PAKSHET KAYO!" sigaw ni Jal. Tumili ito at para bang nababaliw.
Akmang tatakbo ito pabalik sa pinanggalingan niya para makatakas. Doon na tumalon si Howell mula sa itaas at sa harap mismo ni Jal bumagsak. Nagpagpag ito ng palad at napangiwi.
"Yikes, basa..." bulong ni Howell at napapalatak.
Nanlulumong tiningnan siya ni Jal. Namumuo na ang luha sa mga mata nito at parang tinakasan na ng lakas.
"Sir... 'wag naman..." Pagmamakaawa nito. "I-Inosente po ako—"
"Jal Perez..." Howell said, cutting her off. Kinuha niya ang papel mula sa bulsa ng coat niya at ngumisi kay Jal. "You are under arrest."
———
"Okay na, Lyle. Na-aresto na siya."
Lyle licked his lower lip and rested his head on his car's headrest.
"Prosecutor Jax, bakit wala ka kanina?" Tanong niya.
"Ako ang nag-ayos para makakuha ng warrant of arrest. Ngayon... inaayos ko ang mga ebidensiya. To be honest, kahit na gaano pa kaklaro sa video na si Jal nga ang nagtangka kay Hale, they can make the video inadmissible," sagot sa kaniya ni Jax. "In one way or another, pwede pa ring makalabas si Jal."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"