A/N: Long time no update, unveilers. You deserve this 5k-word-length chapter. Enjoy!
To share your thoughts, use our tagline, CATCH ME ATTORNEY 08 on Twitter.
———
REESE
"ANONG PLANO MO SA BUHAY?"
Natigil si Reese sa pagnguya ng nuggets na kaninang umaga pa niya gustong kainin. Pero ngayong nakain na niya, umay na umay naman siya.
Tiningnan niya ang kuya niya na si Ivan. Kauuwi lang nito galing sa isang meeting at siya agad ang hinanap.
"Ay, may plano pa pala sa buhay?" biro ni Reese sa kapatid. "Akala ko forever na 'kong palamunin."
"Reese, hindi biro ang tanong ko. Seryoso ako," sabi ni Ivan.
"Bakit ba? Nandiyan ka naman. Ang yaman mo kaya, puwede na siguro akong taga-alaga ng mga magiging anak mo."
"Kaya kitang alagaan, that's not a problem. But you know what the problem is? We don't know what the future holds. What if may mangyari sa akin, paano ka?"
"Edi ulila si accla," sabi ni Reese at tumawa pero tumigil siya nang makitang seryoso si Ivan.
"I want you to be independent and empowered on your own."
"And?" she asked.
"Hindi naman sa pinakikialaman kita, but don't you think... it's about time to enroll in College?"
Natigil si Reese. 'Yon ang matagal niyang iniisip. Feeling kasi niya, behind na behind na siya.
"Kung ang iniisip mo masiyado ka nang huli, you're wrong. Walang una at huli sa pag-aaral. We have our own pace. It's not a battle between you and your friends, it's a journey between you and yourself," Ivan said.
Natahimik lalo si Reese. Tumingin siya sa chicken nuggets and for a moment, gusto na lang niyang maging manok para tili na lang siya nang tili kada umaga.
"What do you think?" Ivan asked.
"Hmmm..." Reese started. "In case mag-aaral ako, magkano allowance ko?"
Natawa si Ivan. "Allowance talaga ang concern mo?"
"Siyempre, 'no. Wala kayang ipon 'pag walang allowance."
Pareho silang natawa.
"Pero kuya... pag-iisipan ko. Ang hirap kasi wala akong gusto. Parang wala akong pangarap kaya hindi ako makapag-enroll, wala akong gustong course."
"Ano bang hilig mo?" Ivan asked.
"Wala akong pangarap o hilig. Gusto ko lang kumita ng pera. 'Yon lang."
Napailing si Ivan. "Bata ka pa. Explore your interest, susuportahan kita."
"What if maghanap na lang ako ng sugar daddy na matanda at malapit na mategi? Secure naman siguro ang future ko sa ganoon."
"E paano kung mauna kang mategi kaysa sa matanda?" tanong ni Ivan.
"Edi iyak ang accling. Bawi next life."
Natawa sila.
"Ayaw mo kay Jaxx?" tanong ni Ivan. "Or Howell?"
"Ah, 'yong dalawang pinagtanggol si Hale in the end? Sabi ko kuya want ko mayaman na matanda, hindi mayaman na tanga."
Nakita niya ang ngisi ni Ivan. Alam niyang inis din ito sa dalawa.
"Kaya ikaw kuya, mag-ingat ka sa pakikipag-transact kay Hale. Alam kong nagkakaroon ka ng meeting with them lately."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"