PART FIFTY: GAME OVER

89.6K 6K 11.3K
                                    

THIRD PERSON POV.

"Indeed. You're the only one who can make my heart flutter by simply existing..." bulong ni Levi habang pinanunuod ito mula sa malayo.

May early holloween costume party sa company nila at lahat ng artists ay required um-attend. He dressed as Detective Conan whilst Nash dressed as Sherlock Holmes. It was a fun night, especially for Levi. Dahil sa ganoong pagkakataon, somehow, ay makakasama niya si Nash sa iisang lugar.

Nagpapa-picture ang ibang staff sa grupo nito. Ngiting-ngiti si Nash sa camera at hindi rin maiwasang  mapangiti ni Levi habang nakatingin dito.

Letting him go wasn't easy. It will never be easy. Araw-araw ay hinahanap-hanap niya ito. Pero sa tuwing maiisip niya 'yong mga panahong kasama niya ito, 'yong mga panahong nahahawakan n'ya ang kamay nito at nayayakap hanggang sa makatulog siya, hindi niya maiwasang malungkot nang todo.

Once upon a time, they were madly in love and now, they barely look at each other as if they never happened at all.

He started to think that perhaps, Nash was his karma. He was the karma that he's dying to experience once more.

"Thank you!"

Matapos magpa-picture ang ilang production staff sa grupo nila Nash ay nagsimula nang maghiwa-hiwalay ang mga ito. Iyon mismo ang hinihintay niya. He wanted to approach Nash. Kung ano ang sasabihin niya ay hindi niya rin alam. Gusto lang niyang makausap ito.

Inubos ni Levi ang inumin sa baso niya at huminga nang malalim. Nang makaipon nang sapat na lakas ng loob ay tumayo siya at unti-unting nilapitan ang table kung nasaan si Nash.

He fixed his hair swiftly. He wanted to look handsome in Nash's eyes.

Busy si Nash sa pag-b-browse sa cellphone nito at mag-isa lang sa table. He stopped right beside him. Nash felt his presence and when he looked up, their eyes met. Levi felt the sudden jolt—his heart began beating wildly for him, like what it used to.

"Hi," bati niya kay Nash at tipid na ngumiti. Titig na titig siya sa mga mata nito.

"H-Hi," sagot ni Nash at nakatitig din sa mga mata niya. He saw him gulped and Levi knew Nash missed him too.

"Alone?" Tanong niya rito.

"Not really," tugon ni Nash. "Naglibot lang sila—"

"Would you mind if I join you?" He followed.

Naglikot ang mga mata ni Nash. Halatang anxious ito.

"Just few minutes, Nash," he said desperately yet calmly. "Give me just few minutes."

"Wala naman tayong dapat pag-usapan," Nash said, anxious about the people around them.

"I know. Nasabi mo naman na lahat at naiintindihan ko naman," mahinang sagot ni Levi. "Pero kasi..."

Huminto siya, yumuko, at bumuntong-hininga.

"Na-m-miss kita," Levi followed. "Parati. Araw-araw. Maya't maya."

He smiled weakly and sadly. He knew Nash was listening.

"Ang hirap lang na nasanay ako na parati kang nasa tabi ko. Na kada titingin ako sa phone ko, message mo ang naroroon. Ang hirap magsimula ulit na wala ka..."

"Levi..." Nash uttered, his voice sounded worried.

Levi looked back at him, his eyes were as emotional as his heart.

"But you look fine. Just fine..." Levi's voice almost cracked. "Ang sakit lang isipin na nakakaya mo habang ako pinapatay ng sakit kaiisip sa 'yo."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon