SEASON 2 PART 2

59.8K 3.5K 9.4K
                                    

LEVI.

"Levi, I regret leaving you sometimes..."

Levi looked at the person in front of him. His hands were shaky. His eyes were teary.

"Sometimes?" Levi asked, hurting. "Araw-araw akong pinapatay ng sakit, tapos ikaw minsan lang?"

Bumuntong-hininga ito at tiningnan si Levi. Bakas sa mukha nito na nasasaktan na rin ito pero wala itong magawa. Hindi niya masisi si Levi. After all, kagustuhan niya rin iyon.

"Akala mo ba madali sa 'kin?" sagot nito. "Nahihirapan din ako pero bakit... bakit parang ikaw lang 'yong nasasaktan sa ating dalawa?"

"Pareho tayong nasasaktan," sagot ni Levi at lalong namuo ang luha sa mga mata. "Pero ang ipinagkaiba natin, mas mahal kita kaya ako 'yong mas nasasaktan."

"Levi naman!" singal nito ito nag-crack na ang boses.

"Bakit, hindi ba?" Levi asked. "Totoo naman 'di ba? Mas mahal kita at alam mo 'yon kaya nga you can treat me like a shit because at the end of the day, mahal pa rin kita kahit ang sakit-sakit na. Kaya kahit saktan mo 'ko, okay lang sa 'yo kasi alam mong tatanggapin pa rin kita."

"Levi, hindi ganoon 'yon!"

"I am one of the billion stars in your galaxy while you?" Tears suddenly fell from his eyes. "You are the only one for me. Kaya mas nasasaktan ako. Kaya mas nahihirapan ako. Kaya galit na galit ako kasi araw-araw kitang na-m-miss pero ikaw, tuwing kailan lang? Tuwing wala kang kausap?"

"Hindi naman sa ganoon..."

"Ganoon 'yon. Ikaw 'yong unang nagkagusto sa 'kin pero bakit ako 'yong pinaka nasasaktan? Ang tahimik ng buhay ko noon. You wrecked it. You wrecked me."

"Levi, I'm sorry... I'm so... sorry..."

"No, don't feel sorry," Levi said. "I lost someone who never really loved me and you? You lost someone who did."

Tumulong muli ang luha nilang dalawa.

"Bye for real," Levi said and turned his back. He walked away, leaving everyone behind. This time, the only love that he needed was his love for himself. He must protect himself. He must protect his heart from everybody else.

"AAAAND, CUT!"

Nagpalakpakan ang lahat sa set. Mabilis na huminto si Levi at ganoon din ang babaeng katambal niya sa mini series na pinagbibidahan nila.

Lumapit sa kaniya ang Personal Assistant niya at pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata niya, ganoon din ang pawis niya.

"Good job, Levi at Pinky!" tuwang-tuwa na sabi ng direktor. "One shot lang and we captured it vividly and aesthetically!"

Ngumiti lamang si Levi. "Thanks, Direk."

Matapos ang preparation ay nilapitan siya ni Pinky. Isa itong baguhang artista pero napakahusay umarte. The first psychological-thriller movie on Netflix that she starred with was a massive hit.

"Nice acting, Levi," sabi nito nang lapitan siya. "I forgot my lines pero nadala ako sa emosyon mo kaya nakuha natin ng one take lang."

Levi smiled at her. "No, you're good. And pretty."

"Tss," Pinky scoffed jokingly. "Are you flirting with me, huh?"

Levi laughed. "Do you want me to? I could and I would."

Nagtawanan silang dalawa.

"Baka ma-blind item tayong dalawa, sige ka," sabi ni Pinky at malambing ang tingin sa mga mata niya. "Wanna grab a drink outside bago umuwi? You know, bonding with our co-actors. Kung hindi ka busy."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon