PART FORTY-THREE: Exposing Lyle's Secret

73.4K 4.8K 6.1K
                                    

THIRD PERSON POV.

"HINDI SI BRAELYN ANG PUMAPATAY."

Tiningnan ni Howell si Jax. Madilim na ang paligid at kasalukuyan silang nasa loob ng kotse. Maya't maya sila replay sa voice record na ipinadala ni Reign through e-mail. Narrative report iyon ni Reign pero sa sobrang haba at urgent ng information ay nag-voice record na lang ito.

Laman ng voice record ay ang pagtatalo ng 12-A kani-kanina lang. Braelyn was caught and later admitted that she was exposing her classmates' secrets. Laman din niyon ang sikreto ni Lyle. All along, siya ang nag-report sa sarili niyang ama.

"Tingin ko rin hindi si Braelyn," sabi ni Howell. "Concern lang talaga siya. Sa sobrang pag-p-panic niya, nagawa n'ya 'yon. Isali na natin 'yong internal jealousy niya. In one way or another, she enjoyed it too."

"I agree," sabi ni Jax at malungkot ang mukha. "Ginawa n'ya 'yon dahil 'yon ang tingin n'yang tama. Hindi n'ya kayang sabihin sa kanila directly kaya gumawa s'ya ng paraan. That explains kung bakit sa room lang n'ya inilalabas 'yong secrets nila at hindi sa buong school. Halfway through it, nakaramdam na siya ng selos. She felt like she was being outcasted kaya ayon... from helping, she started using the secrets to destroy them. What a pity."

"Sa lahat ng secrets na posibleng mayroon si Lyle, 'yong secret n'ya na s'ya pa talaga ang nag-report sa sarili niyang ama sa awtoridad ang ni-reveal ni Braelyn," sabi ni Howell. "She can keep it to herself since nahuli na siya but I guess, naisip niyang babagsak na rin naman siya so might as well bring Lyle with her."

"Sobrang bigat niyon," sagot ni Jax. "People may think, how come it can drag Lyle down, e, ginawa n'ya lang ang tama? Ang point kasi, dahil doon nasira ang pamilya niya. Nakulong ang daddy niya, umalis ng bansa ang mommy niya, 'yong ate niya, nawalan ng career at nagtago sa malayong lugar. It destroyed their family."

Tumangu-tango si Howell.

"Tama ang ginawa niya pero imagine the guilt," Jax followed. "Partida, guilt pa lang para sa sarili mo 'yon. Paano pa 'yong guilt na mararamdaman mo kada titingnan ka ng mga tao sa paligid mo? Ng mga kaibigan mo? Paano 'pag nalaman ng family mo? Kaya mabigat 'yon para kay Lyle."

Huminga nang malalim si Howell at sumandal sa headrest. "Ewan ko ba sa mga batang 'yan. Ang i-immature, parang laro lang ang buhay."

"Walang immature 'pag nasaktan ka. If it hurts, it hurts. We have different ways of coping with our insecurities, it just that Braelyn used the wrong way. Sayang, siya pa naman favorite ko base sa narrative reports ni Reign."

Pareho silang natawa. "Paano ba 'yan, Jax? Tama ang hula natin. May gusto ngang magpabagsak sa 12-A."

Jax sighed too. "Awkward bang ngingiti ako kahit na nagkakasiraan na sila ng buhay doon?"

Natawa si Howell at sinuntok siya sa braso. "Tayong dalawa lang naman dito, brad."

Natawa si Jax at tiningnan ang mga dokumentong nasa harapan niya. Papalapit na nga sila sa wakas.

"Posibleng inosente nga ang 12-A," Jax said out of the blue. "Gaya ng sabi ni Braelyn, gusto silang ma-dissolve ng school. Gusto ng school na i-abolish ang school name tag color thing at hindi nila magagawa 'yon kung naroroon pa ang 12-A."

"Gusto nila silang gawing sacrificial lamb," Howell followed. "Matagal na silang na-c-critize dahil sa concept ng gold, silver, at bronze name tag. Isama pa natin ang mistreatment sa mga estudyante at scholars 'pag hindi ka part ng section A. Over the past years, ang dami nang protesta laban sa kanila. Pababa na rin nang pababa ang nag-e-enroll kasi kahit mataas ka na sa lipunan, no guarantee na makakapasok ka sa section A. Even some employers started to refuse to accept students from that school. They all wanted to lead, not to follow."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon