"REESE TURNER..."
Bumuntong-hininga ako nang malalim at kung gaano na ba ako katagal nakatitig sa kawalan ay hindi ko na rin alam.
Kasalukuyan akong nasa waiting shed at napakarami nang bus na dumating pero ni-isa ay wala akong sinakyan pa-uwi.
Nakatulala lang ako at hindi makapaniwala sa mga nalaman.
"Paanong siya 'yon?" bulong ko sa sarili at bahagyang napa-pikit. "Paanong si Reese ang bumubully kay Hale?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Na-aalala ko pa kung paano lumingon sa akin si Reese at unti-unting nawala ang ngiti sa labi nang makita ako.
She saved me from a public humiliation.
She saved me from Everleigh.
Paanong siya ang bully?
Paanong siya when all she did was to smile at me and cheer me up?
Was it... part of her act?
I can still hear the fear in Hale's voice. Kung paano siya nanginginig at ang magkahalong takot at galit sa boses niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ganoon ang magiging reaksyon niya kung normal lang ang ginawa sa kanya ni Reese. Sa sobrang tindi ng ginawa sa kanya ay mukha na siyang na-trauma.
Pero bakit ibang-iba si Reese ngayon? Bakit ibang-iba ang pakikitungo niya sa 'kin kumpara sa pakikitungo niya kay Hale? Anong... nangyayari?
Tiningnan ko ang phone ko at alas otso na rin pala ng gabi. Nang may humintong bus sa tapat ko ay agad na akong tumayo at akmang sasakay nang biglang may humatak sa braso ko dahilan para mapa-hinto ako.
Nang lingunin ko ang humatak sa 'kin ay kumunot ang noo ko.
"Nash?"
Naka-kunot din ang noo nito at walang emosyon ang mukha. Nakasuot pa rin ito ng school uniform at bagsak ang itim na buhok.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Huh?" maang kong tanong.
"You're not supposed to ride a bus," sabi nito at ilang segundo lang ay sumarado na ang pinto ng bus. Nagsimula na rin itong umandar.
Tiningnan namin ito habang umaandar ito papalayo.
"Nash, paano mo—"
Natigil ako nang may ituro ito. Agad ko iyong tiningnan at isang building sa 'di kalayuan ang itinuturo niya.
"Doon ka nakatira, 'di ba?" tanong niya at saka ngumiti. "Kaya hindi mo kailangan mag-bus. Walking distance lang naman."
Halos masapo ko ang noo ko. Sa sobrang pre-occupied ko kay Reese ay pati utak ko ay lumulutang na. Mukhang sasakay pa ata ako ng bus pa-uwi sa dati naming bahay.
"Tara," sabi ni Nash at nagsimulang maglakad.
Agad ko itong sinundan. Napakalamig ng gabi at napaka-busy ng mga tao. Kitang-kita ang karangyaan ng lugar na ito dahil na rin sa mga night lights at mga matatayog na building sa paligid.
"Paano mo alam na doon ako nakatira?" tanong ko kay Nash habang sinusundan siya. "Parang... wala naman akong ikinuwento?"
Ngumisi si Nash at tiningnan ako. "Hulaan mo."
"Wow, pa-suspense," nakangiti kong sabi kahit medyo kinakabahan na. "Bakit nga?"
"Hmm..." Nash started. "Bakit sa tingin mo naglalakad din ako kasama mo?"
"Kasi wala kang sundo?"
Nash looked at me with disbelief.
"Wait, wait," sabi ko. "Wala kang pamasahe, 'no?"
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"