SEASON 2 Part 18

21.4K 1K 1.1K
                                    

Grey and Reese.

Reese was looking at nothing but Grey. Nasa loob sila ng bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Grey. He was talking with his friend, and he was smiling from ear to ear.

Matamis kung ngumiti ito. Iyong tipo ng ngiti na nakakahawa.

Grey was invited to the launch of his friend's bar, and he invited her as his date.

Date.

I am his date, iyon ang katagang nagpapangiti kay Reese maya't maya.

In fact, Missi and her had an emergency meeting. Tinanong niya ito kung ano ang dapat niyang suotin.

"Omg ka girl!" Tumitiling sabi nito. "I-push mo na ang aura mo for tonight. Anong peg ba ang gusto mo? Iyong gangster lang na tigasin like your usual self para stay natural ka, gusto mo mukha kang kikay from BGC, or borikat type at ilabas natin ang dalawa mong melons, or peg mo ang sweet, fresh and juicy na purity ang handog?"

It was a long hour of discussion until she came up with one. Gusto niyang magpapansin kay Grey. Kaya kahit hindi siya sanay na mag-dress ay nagsuot siya. Kahit na hindi siya sanay na mag-ayos ng buhok ay ginawa niya. She even let Miss do her makeup.

Pero sa totoo lang, deep within her, she knew what she really wanted to become.

She wanted to look like Reign, at least. Si Reign kasi ay effortless ang pagiging attractive. Iyon bang wala itong ginagawang bagay para magpapansin, pero in modst of the crowd, madali siyang mapansin.

Grey fell for her. Reese wanted to radiate the same aura that Reign has, so that he could see her as equally attractive.

Hindi siya ganitong tao. Hindi siya madaling mainggit. Kaya minsan ay sinasabunutan na lang ni Reese ang sarili para magising sa katotohanan.

Pero sa mga ganitong pagkakataon, sa tuwing ganito ka-precious tingnan si Grey, she would loss all of her senses. She was really that enchanted.

Tumingin sa kaniya si Grey at maya-maya ay lumapit. Siksikan na rin ang mga tao kaya medyo mahirap nang gumalaw.

"Anong nakakangiti?" Tanong ni Reese nang  ngiti nang ngiti si Grey sa kaniya.

"Wala," sabi nito. "Sabi ng kaibigan ko, ang ganda-ganda mo raw. Inilayo ko para hindi mo marinig, baka kasi sapakin mo bigla."

Tumawa ito ngunit hindi ngumiti si Reese.

Maybe that's why he would never fall for her. Si Reign ay isang babae na ang tingin na Grey ay dapat niyang protektahan. Habang siya? Isang palaban na babae na hindi kailangan ng proteksiyon ninuman. She came off as a really strong woman for him, to the point that he didn't see her as a woman anymore, Reese thought.

"Pero tama siya," Grey added. "You look beautiful today."

Reese's lips parted. Hindi niya ine-expect iyon.

"You look beautiful everyday, mas lalo lang ngayon," Grey said and smiled once more.

Umiwas ng tingin si Reese, pakiramdam niya ay namumula na ang pisngi niya.

"A-Alis muna ako," paalam niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa church, gusto na kitang pakasalan."

Kumunot ang noo ni Grey. Sa sobrang lakas ng tugtugin ay hindi niya iyon narinig.

"Huh?" Tanong ni Grey. "Anong lalakasan?"

Natawa bigla si Reese. Lalong inilakas ang tugtog sa lugar at naghihiyawan na ang mga lasing sa crowd.

"Ang sabi ko, ang cute-cute mo, sana akin ka na lang," sabi ni Reese, kumpiyansang hindi nito iyon maririnig. "Promise, pagsisilbihan kita, ipagluluto, ipaglalaba, mamahalin—luluhuran."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon