THIRD PERSON POV.
"I KNEW IT! MAY TUMAMA RIN SA THEORY KO!"
Umalingawngaw ang boses ni Jax. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa harap ng malaking screen kasama si Aldrin, ang kaibigan niyang tinutulungan siya sa pag-t-track ng isang bagay.
Ang nasa screen ay ang phone activity ng cellphone ni Detective Hazel na kinuha ng taong pumatay kay Detective Cedrick. Ito rin ang nagpakilala kay Reign bilang ang totoong pumatay kay Miss Jess. Hindi na na-retrieve pa ang cellphone at alam niyang hawak ng salarin iyon.
Kaya simula nang gabing iyon ay ipina-track na iyon ni Jax. Ang huling phone activity nito ay noong gabing naka-usap ito ni Reign. Since then, the phone was turned off. Not until this very morning, the phone was turned on again.
"Gotcha!" sigaw ng lalaki at tuluyan nang natukoy ang exact location nito. Isinulat nito iyon sa papel.
"Sure kang 'yan ang exact location kung nasaan ang phone?" tanong ni Jax. "If makakakuha ako ng proof, tama nga talaga ang theory ko."
"Oo, brad," sagot ng lalaki at tinakpan ang ballpen. "The phone was turned off since the night it was stolen. Ngayon, nagkaroon ito ng phone activity at ang sim card network ay nag-connect sa pinakamalapit na cell tower."
Tumigil ito at iniabot sa kaniya ang papel.
"There you go, buddy. Catch that freak."
Tiningnan ni Jax ang papel at kumunot ang noo. "Address 'to ng hospital, a. Sinong pupuntahan n'ya roon?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Jax nang may ma-realize.
"Si Hale!" sabi niya at agad na kinuha ang coat niya na nasa malapit na upuan. "Aldrin, can you do me another favor?"
"Basta ba sagot mo ang almusal ng staff ko, walang problema," sabi nito at ngumiti. "Ano 'yon?"
"I have a plan. Can you track the movement of the phone? Kung kailan ito namatay ulit at anong oras nawala sa ospital, I need the details."
"Sure, buddy," sagot nito. "At your service."
"Salamat," sagot ni Jax at tinapik ito sa balikat. "Ako na bahala sa almusal ng staff mo."
Ngumiti ito sa kaniya. "Noted 'yan, Scott. Hurry up, gumagalaw ang phone."
Jax looked at the screen one more time before he stormed out of the room. The next thing he knew, sumakay na siya ng kotse at madaling-madali sa pagpunta sa ospital.
Ito ang pinagkaka-abalahan niya lately. He was doing all sort of things to solve the crime as soon as possible. Marami nang namatay at marami nang nasasaktan. Dapat lang na matapos na ito.
Kaya malaking tulong ang serbisyo ni Aldrin para sa kaniya. College friend niya ito na nag-drop out dahil hindi na kayang tustusan ang pag-aaral. Pero dahil mahilig ito sa mga technology-related na trabaho, nakapasok ito sa underground. Kumikita ito kapag may nagpapa-track.
Saktong pagbaba ni Jax ng kotse ay naka-receive siya ng tawag mula kay Aldrin.
"Wala na, brad. Patay na ang cellphone. Hindi ko alam kung nasa loob pa ba siya o hindi."
Ngumisi si Jax. "It's okay. Hindi pa tapos ang laban."
Matapos nilang mag-usap ay dumiretso si Jax sa security office ng ospital.
Nahulaan na niyang one of these days ay may magtatangkang tumapos ulit kay Hale Parker. Wala na si Detective Hazel at si Detective Cedrick. Wala na rin ang presong nagtangka kay Hale at ang pamilya nito. Wala nang nakakikilala sa kaniya maliban kay Hale. Si Hale na lang ang tinik sa lalamunan nito.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"