REIGN.
"SO, TAYO NA?"
Napahinto ako sa paglalakad at napalingon kay Grey. Katatapos lang ng klase at kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa unit ko, gusto raw niya akong ihatid.
Bahagyang napamaang ang mga labi ko nang magtama ang paningin namin. Suot-suot ni Grey ang school uniform niya at ang coat naman niya ay bitbit-bitbit lang niya.
Sa tagal nilang nag-t-training ay lalong gumanda ang hubog ng katawan ni Grey. Sa katunayan, bumabakat na nga ang dibdib niya sa suot niyang polo at bagay na bagay 'yon sa kanya.
Natataman din ng sinag ng papalubog na araw ang balat niya kaya bahagya iyong namumula. Paano ba naman kasi, tirik na tirik ang araw sa t'wing mag-t-training sila. Sanayan na siguro.
Ngumiti sa akin si Grey nang mapansin niyang sinusuri ko siya. Nang napatingin ako sa labi niya ay bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina—ang unti-unting paglapit ng mga labi namin at ang pagpikit ng mga mata ko.
Today, I had my first kiss and I liked it—no, I loved it.
When someone said that a first kiss must be magical, I never thought that it could be this enchanting.
Iba pa rin talaga 'pag gusto mo ang tao.
"Reign, are we?" ulit ni Grey at lalong ngumiti.
"H-Huh?" maang kong tanong dahil para akong nalulunod sa ganda ng ngiti niya. "Hindi ba?"
Kumunot ang noo ni Grey. "Kaya nga kita tinatanong. I was... impulsive the other day. Masiyado akong nadala. I told my team that you are my girlfriend without your consent. I felt bad."
"Tss..." pabiro akong umismid at tinalikuran siya. Nagsimula akong maglakad. Tanaw ko na ang building namin.
"Ano nga?" tanong ni Grey at sumunod sa akin. "Baka mamaya ako lang pala ang inlove rito, ha."
Natawa ako at tiningnan siya. "Tingin mo ba hahayaan kitang halikan ako kung 'di boyfriend ang tingin ko sa 'yo?"
Grey was probably expecting that but I guess, it still caught him off guard. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi nito malaman ang sasabihin.
I faced him and patted his head gently.
"Yes, Greysen Finch. I am your girlfriend and the feeling is mutual."
When he met my eyes, his ears turned madly red.
I smiled at him. "Malapit na mag-go signal, tara."
Akmang maglalakad na ako nang pigilan niya ako.
"Hmm?" taka kong tanong.
"Kung tayo na nga, let's do what other couples are doing."
Inilahad niya ang kamay niya at tipid na ngumiti.
"Hold my hand, Reign."
Pabiro akong umirap at pareho kaming natawa.
I took his hand and he held mine tighter while we were waiting for the green light.
"Finally, I'm home..." I heard Grey whispered to himself.
"Huh?" I asked.
Umiling lang si Grey at ngumiti. "Go signal na."
With our hands intertwined with each other, we crossed the street together.
Patuloy kami sa paglalakad at nang marating namin ang tapat ng building ng unit ko ay doon kami huminto.
"May tanong ako," sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"