SEASON 2 PART 5

45.1K 2.8K 3.5K
                                    

A/N:

Finally, may update na! Thank you for being patient, unveilers. : )

To share your thoughts about this update, you may do so by tweeting it on Twitter using our tagline, CATCH ME ATTORNEY 05. Yes, twitter party ulit after few months! Babasahin ko 'yan lahat hahaha

Pwede rin kayong mag-join sa ating Facebook Group, Law Series by Veilofthedark and UNVEILERS OFFICIAL.

Open pa rin for Pre-Order si Tuned In, available sa Shopee ang DMA & CMA reprint, released na si KMA premium, and published na rin sa Wattpad ang new story entitled, 'Taking A Step Closer To You'.

xoxo.

———

REIGN.

"SI MAKI ANG BAGONG STUDENT NG WEST CARSON UNIVERSITY!"

Umalingawngaw ang sigaw na 'yon sa buong kuwarto. Nagtinginan ang mga estudyante sa bagong dating.

"Grabe, narinig n'yo na ba?" tanong muli ng bagong dating at umupo sa gitnang bahagi ng kuwarto kung nasaan ang isang grupo. "Siya 'yong isa pang napiling scholar!"

"Totoo ba?" reaksiyon ng mga kaklase ko. "Ang galing!"

I sighed. Bukod sa pagpili sa akin bilang ang bagong exchange student sa West Carson University, na-announce na rin ngayon na si Maki naman ang napili ng bagong partner ng school namin na isa pang recipient ng scholarship.

It means, dalawa na kaming exchange student pero hindi pa namin ina-accept ang offer.

Kahapon ay dumating si Grey at muli kaming nagkita. Only to find out na nandito siya para makita si Maki, dahil si Maki ang bagong scholar ng foundation na itinayo ng daddy niya.

After our short talk, hindi na rin kami nagkita pa. Nasa klase na ako nang matapos ang meeting nila ni Maki. He went straight to their home after their talk. Sa totoo lang, I felt relieved.

May part sa akin na gusto ko siyang makausap nang taimtim pero siguro nga, there's no reason for that. Pakiramdam ko naman ay natapos na talaga ang lahat sa amin ni Grey at pareho na kaming okay.

Hindi pa rin kami nagkikita ni Maki simula kahapon kaya wa rin akong ideya sa naging offer sa kaniya. Maaga akong umuwi at natulog, sobrang drained ng pakiramdam ko kahapon kaya hindi kami sabay na umuwi.

Nang mag-ring ang school bell ay mabilis akong tumayo. Uwian na rin kasi. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad ako sa buhay lately. Ang gusto ko na lang ay umuwi at matulog parati.

"Oh, Reign!" bati sa akin ng isa kong kaklase nang tumayo ako. "Congrats, ha. Tinanggap mo na ba 'yong offer?"

Tiningnan ako ng mga kaklase ko.

Umiling ako. "Pinag-iisipan ko pa."

"Nawa'y lahat!" komento ng isa na ikinatawa nila. Ngumiti na lang ako at lumabas na.

Paglabas na palabas ko ng building ay nakita ko agad si Maki na naghihintay. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya at kumaway. Ganoon din ang ginawa ko.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng bus ay walang kumikibo sa amin, pareho kaming pagod buong-araw. Sakto naman at may bus kaya hindi na namin need maghintay. Pagpasok naman namin ay may mga bakanteng upuan kaya nakaupo agad kami.

Maya-maya lang ay umandar na ang bus at nakatingin lang ako sa bintana. Ilang minuto ang lumipad ay naririnig kong parang bumubulong si Maki kaya tiningnan ko siya. Napangiti ako nang makita ang ginagawa niya. Hawak niya ang notes niya at may kinakabisado.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon