"Anong pangalan mo?"
"Greysen Finch," sagot ng isang lalaki sa isang kwarto.
"Everleigh Miller," sagot naman ng isang babae sa kabilang recording.
"Mississippi Smith," another woman said.
"Lyle Xavier Heimsworth."
"Levi Hudson."
"Nashville Burlington."
"Malcolm Kiel Edejer po," nanginginig na sagot naman ng lalaki.
Bumuntong-hininga naman ang isang babae at kinamot ang likod ng tainga niya.
"Ah shit, deja vu," she rolled her eyes sland faked a smile. "Reese Turner, Sir. Kasi lahat ng nadadaanan ko napapa-turn ang head to look back at me. Oh, pak!"
Taliwas sa takot at kinakabahang emosyon ng iba, isang binata ang confident na sumagot sa interrogation.
"Hale Parker," sabi nito at ngumiti. "What a lovely name, ain't it?"
"Nasaan ako nang mangyari ang krimen?" tanong ni Everleigh, pagbibigay linaw sa tanong ng officer. "Nasa school. May naiwan akong importante sa locker ko kaya bumalik ako nang araw na 'yon."
"Nasa school po," sagot ni Grey. "President ako ng Student Council kaya I had to be there 'till the end of the event."
"Nakiki-party sa school," Missi answered. "Sobrang stressed ko na academically, emotionally, and k-dramatically-kasi lagi akong na-fa-fall sa second lead na hindi laging pinipili-kaya I joined the event."
"Actually, special guest ako that night," Levi responded. "Ano magagawa ko, officer, kung marami akong fans sa school kaya need ko pumunta to show my gratitude, at least?"
"Guest performer po kami ng group ko," Nash said with anxiety. "Wala na po akong ibang ginawa that night, nag-perform lang."
"I was just... observing the night. Pauwi na rin ako pero there's something that lured me to watch the performance," Lyle answered.
"Galing po ako ng probinsya kaya bago sa akin ang lahat-lahat dito," rason naman ni Maki. "Kaya pagkatapos ng klase, pumunta ako sa event at nag-enjoy po, at first time ko pong maka-attend sa ganoong kalaking event na maraming artista at libre pa. 'Yon lang, Sir."
"Nasa school po," sabi ni Reese.
"At hindi ka naman enrolled doon?" tanong ng officer.
"Kaya nga, e, ba't ako nadamay?" she asked back. "Nanonood lang ako ng concert, Sir, nakikisaya ta's kinabukasan suspect na agad sa pagpatay. Langyang buhay 'yan, lakas ng plot twist, e."
"Nasa school lang ako, officer," sagot naman ni Hale. "Nag-e-enjoy sa party na isa ang pamilya ko sa nag-organize kaya naging free siya para sa mga estudyante. Ba't ako gagawa ng masama, 'di ba? Sobrang ganda parati ng hangarin ko."
"Marami ang suspect pero isa ka sa ini-interrogate ngayon dahil sa isang bagay. Bakit ka umalis sa Concert minutes before the crime happened?"
"Naglibot po," Levi answered. Naglikot ang mga mata nito.
"Naglibot when you were supposed to perform?"
Levi sighed. "Okay, I'll tell you. Nanigarilyo ako-but please keep it private, officer, masisira image ko."
"Saan ako pumunta?" tanong ni Nash at napalunok. "Naglakad-lakad lang po since last performer po kami."
"Bakit ka naglakad-lakad knowing na magpe-perform kayo anytime?"
"To be honest, naglibot po ako to make myself feel that I am a student, too. Ang tagal ko na po kasing absent dahil sa schedule ko."
"Actually," Missi then answered. "I went to the comfort room. Natutunaw na kasi 'yong make up ko and I had to retouch. Bagsak kasi ako sa dalawang quizzes kanina. Pangit man grades ko, at least ang mukha ko hindi."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"