SEASON 2 PART 14

22.6K 1K 673
                                    

A/N:

Join our twitter party and use our tagline, 'CATCH ME ATTORNEY'. Feel free to tweet your thoughts!

Last 1 WEEK na rin ng Pre-order ni Catch Me, Attorney Book 1 & 2 (SEASON 1). Make sure to save your copies!

———

THIRD PERSON POV.

"CRUSH KO ATA SI GREY. DESERVE KO BA?"

Tawa ang naging tugon ni Missi sa kabilang linya. Inis na inis naman si Reese sa kabilang banda. Kanina pa siya nagra-rant sa kaibigan pero tawa lang ang nagiging tugon nito.

Nasa loob na siya ng kuwarto at nakahiga. Napapaligiran naman siya ng mga papel na puno ng activities na dapat niyang tapusin overnight dahil nga napakarami niyang dapat habulin as a transferee student.

Noong una ay sinisipag siyang magsagot-sagot. Pero nang nahawakan niya ang phone niya at nag-scroll sa Facebook, sinapian na siya ng katamaran at sino nama siya para labanan ito?

"Okay lang 'yan, teh," sabi ni Missi. "Normal lang magka-crush sa kaibigan, 'no. Tignan mo nga noon 'di ba, type ako ni Levi. Kaya 'wag kang ma-stress, eh ako nga—"

"Sshhh," putol ni Reese sa kaibigan. "Alam mo, comfort ang need ko. Kaya 'wag mo akong sapawan ng 'eh ako nga...' mo, 'wag kang feeling main character, okay?"

Muling natawa si Missi. "Ano ba kasi ang gusto mong marinig? Na omggg, crush mo si Greyyy? Go for it bestieee???"

Doon napangiti si Reese. Missi sounded so kikay. "Ang plastic, huh?"

"I know. Ayaw kong mag-overreact kasi normal na bagay lang naman 'yon. I wanted to sound as normal as possible para hindi ka ma-guilty. Kasi ba naman 'di ba, sinong hindi magkakagusto kay Grey?"

For the first time in a while, Missi sounded rational. May point din naman siya.

"Pero ito ang tanong," sabi ni Missi. "What took you so long to find out? Char! How did you find out pala?"

Paano nga ba?

Hindi malaman ni Reese kung paano.

"Ewan ko," sabi ni Reese. "Ang sudden, sobra. Na-realize ko na lang one day na gusto ko siya. Like... gustong-gusto."

"Omggg," rinig na rinig niya ang tili ni Missi. "Dalaga na ang borikat! What did he do, though? I mean, classmates na tayo for so long, bakit now mo lang siya nagustuhan? There must be a reason."

"Lagi siyang nagre-react sa My Day ko..." Sabi ni Reese at bahagyang napangiti.

"Ang assuming mo sa part na 'yan, huh? Wala bang iba?"

"I mean, kahit anong i-my day ko. Kahit kuko ko lang, bagong biling gamit, movie ba pinapanood ko, mga pictures ko, or lugar na binibisita. Lagi siyang naka-heart, walang palya."

"Kaya pala napapadalas pag-upload mo sa My Day, huh? Dati hate na hate mo, pero now secretly mong hinihintay reactions niya. Na kapag 'di siya nag-heart, feeling invalidated ka. Girrrlll, ang landi-landi mo!"

Nagtawanan sila ni Missi. Kinikilig ito at ganoon din siya.

"Tapos... nag-start siyang mag-reply sa My Day. Na kung saan ko nabili, o kumusta 'yong movie. One time, nag-upload ako ng picture ng lugar na pinuntahan ko. He asked its location tapos nagulat ako, pumunta siya..."

"Ay wala," reaksyon ni Missi, nang-aasar ang boses. "Na-fall ka na nga talaga. Grabe, girl. You sounded so into it... omg!"

"Talaga ba?" Tanong ni Reese at napapangiti.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon