REIGN.
"Greysen Finch and their former adviser, Miss Jess... they dated."
I heard gasps from every corner of the hall. Lahat kami ay nagulat. Napahawak pa nga ako sa gilid ng upuan ko dahil parang tutumba ako dahil sa narinig ko.
Grey remained standing there. Kagaya ng lahat, ito ang pinaka nanlulumo. Hindi nito alam ang gagawin. Kita sa mga mata nito na nag-p-panic na ito.
"Grey, itatanggi mo ba?" tanong ni Jal. Nakangisi ito at nangungutya ang mga mata. Napakalayo nito sa Jal na kilala ng buong eskwelahan.
She came back stronger—tougher.
"Itatanggi mo ba na ikaw at si Miss Jess—"
Natigil si Jal nang may mga umakyat na guard sa stage at pilit siyang pinaaalis mula roon. Nagpumiglas siya pero hindi siya nanalo. Nabitawan niya ang mic at nag-echo ang tunog niyon sa buong hall.
Habang lumalakas ang bulungan ng mga estudyante ay tili ni Jal ang maririnig. Lumalaban ito. Yakag-yakag ito ng mga guards palabas.
Nang mawala na si Jal, ang lahat ay nakatingin na lang kay Grey. Nakatayo pa rin ito sa stage at tinitingnan ang lahat. Namumula ang mukha nito at parang ilang segundo lang ay mawawalan na ng malay.
Hindi itinanggi ni Grey ang sinabi ni Jal. Seeing Lyle and Levi's reactions, they were more worried than shocked. Alam nila 'yon panigurado.
Pero paano? Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat kahit na may mga ebidensya na.
Si Everleigh ay nakatayo lang sa gilid at hinihintay magsalita si Grey. Ganoon din kaming lahat.
Naglikot ang mga mata ni Grey. Huminga ito nang malalim at maya-maya'y hinarap muli kaming lahat.
"I'm sorry," aniya at ipinatong ang mic sa podium.
In a snap, Grey stormed out of the hall. Hinabol siya ng tingin ng lahat at pinagbubulungan.
Parang nanlalamig ako sa nangyayari. Hindi nga talaga itinanggi ni Grey iyon. His silence confirmed it. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Nakita kong nagsunuran ang mga kaklase ko sa kaniya kaya nakipagsiksikan din ako palabas ng hall. Grey was walking fast without looking back. Nakita kong hinahabol siya nila Missi habang inuulan ng tanong mula sa mga kaklase namin pero ni-isa ay wala siyang sinasagot o nililingon man lang.
Patuloy lang ito sa paglalakad na para bang walang nakikita o naririnig. Nang maabutan siya ni Missi ay hinatak siya nito sa braso dahilan para mapaharap siya sa amin.
Sa pagkakataong iyon, kita sa mukha ni Grey na nasasaktan na ito.
"Ganyan na lang ang gagawin mo?" tanong ni Missi. "Tatakbo ka na lang? Iiwanan mo na lang 'yong problema? Grey, hindi ka ganiyan!"
Missi was getting emotional. Lahat kaming magkakaklase ay nasa hallway na. Everleigh, Braelyn, Lyle, Nash, and Levi were there too.
"Grey, wala kang dapat ikahiya," dagdag ni Missi. "Alam namin ang nangyari. It's not your fault. Kung i-e-explain mo ang sarili mo, maiintindihan ka nila."
"I agree," sabi ni Levi. "Grey, hindi mo kailangang takbuhan 'to. Explain your side, explain the stories about those pictures. They'll understand."
Hindi kumikibo si Grey. Nagiging emosyonal na ang mga mata nito.
"No, keep going," sabi ni Lyle. "Wala kang dapat i-explain kahit na kanino. Hindi mo sila kailangang i-please. Go on, Grey. Do what you want to do. Leave if you must."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"