PART THIRTY-EIGHT: Lost Without Your Love

64.1K 5.5K 8.8K
                                    

REIGN.

"Nasa library ako." - Lyle.

Huminga ako nang malalim at tiningnan muli ang text message na na-receive ko kani-kanina lang. Nasa school na ako at pumasok two hours before the first class dahil napag-usapan namin ni Lyle na tatapusin na namin ang presentation para sa research colloquium ngayong araw.

Ang library lang ang napag-agree-han naming lugar. After he confessed to me yesterday, sobrang awkward na makipagkita sa kaniya in private areas. We can't finish the presentation in my place or in his place. Kahit ngayon ngang sa library lang kami magkikita ay sobrang awkward pa rin.

Paano ka ba titingin sa taong ni-reject mo? Paano ka makikipag-usap sa kaniya after breaking his heart? Paano ka makikipag-communicate nang hindi naaalala 'yong bawat salitang sinabi niya?

How do you deal with the guilt that you can't reciprocate their love and you know how devastating that was but you can't do anything at all?

Especially that he's not just a Heimsworth, he's Lyle. Ang pinakawalang pakialam na taong nakilala ko. Someone so cold, someone that I couldn't read at all.

For sure, sobrang rare niyang ma-attract or ma-in love. The fact na hindi siya vocal sa nararamdaman niya pero harap-harapan niyang inamin kung ano ang nararamdaman niya sa 'kin without even breaking his eye contact with me, it showed that he was desperate for the love that I can't give.

He wasn't afraid of the rejection-he saw it coming. He confessed nevertheless, hoping for that little amount of hope to save him from a broken heart and in the end, it didn't. I turned him down.

Sobrang hirap.

Isa pa itong si Grey na inaalala ko. After nang mga ginawa ko kagabi, I know dinamdam niya 'yon pero wala akong magawa. I wanted him to get mad at me. Gusto ko siyang magtampo to the point na iiwasan n'ya ako, na gagawin n'ya 'yong mga ginawa ko at ipamumukhang hindi ako kawalan.

But Grey was Grey. I woke up to his chats na parang wala lang nangyari. Nag-u-update siya ng mga ginawa niya kagabi, he even sent photos of himself in case ma-miss ko raw siya. Kaninang umaga, nag-send pa siya ng mga dapat gawin at dapat kainin if you're not feeling well. Mga bagay na makakapagpa-boost ng dopamine at serotonin-mga neurotransmitters natin na responsible for our mood, feelings, happiness, and the way we feel pressure.

He cared about me still after I made him feel like a shit. Sobrang hindi ko siya deserve. Thinking about him, gusto ko nanamang maiyak pero naiyak ko na ang lahat kagabi para ngayon at sa mga susunod na araw ay numb na ako.

I sighed again. Narating ko na ang library. Bahagya akong nagulat dahil marami-rami ang mga estudyante. Papalapit na rin kasi siguro ang exam week. Hinanap ko si Lyle pero hindi ko siya makita.

"Saang table?" I texted him. "Hindi kita makita."

Ilang segundo lang ay nag-reply na rin ito.

"Look straight," he texted back.

Tumingin ako nang tuwid at nakita ko siyang nagtaas ng kamay. Naglakad ako palapit at doon ko napagtanto kung bakit hindi ko siya makita kanina.

Lyle wasn't wearing his uniform. Naka-hoodie itong puti. Bagsak din ang itim na itim nitong buhok at bahagyang natatakpan ang mata. Nakasalim din itong bilog at ang kalahati ng mukha ay natatakpan ng laptop.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon