THIRD PERSON POV.
"MISS JESS KILLED HERSELF?!"
Umalingawngaw ang boses ni Jax. Kasalukuyan siyang nasa loob ng office ng isang private law firm. Tinitigan niya ang maliit na notebook sa harapan niya at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang lalaking kaharap niya. Tanging ang maliit na lamesa lang ang pagitan nila.
"Seryoso ba 'to?" tanong niyang muli. Halos mamanhid siya sa nalaman. "She committed suicide?"
"That's what we think," sagot ni Attorney Lhindee, ang defense attorney ni Hale.
Ilang buwan na rin silang nagtutulungan kahit dapat ay magkalaban sila bilang Prosecutor at Defense Attorney ng kaso. Pareho silang naniniwala na hindi si Hale ang gumawa ng krimen. The attorney wanted to acquit his client, habang si Jax ay popularity ang habol.
"We only need to show a strong evidence that says so. At iyang diary mismo ni Miss Jess ang proof," sagot ng lalaki at malumanay ang boses. "I know sobrang nakakagulat. Kahit ako, Jax, sobrang... nanlamig."
"Paano nangyari 'yon?" tanong ni Jax at hindi maipinta ang mukha. "I can't process anything. I understand but my brain refused to acknowledge everything."
"Nabasa mo rin diyan," sagot ng lalaki at itinuro ang diary. "Miss Jess was emotionally unstable for months. Walang nakakaalam kung bakit. Wala ring documents na makaka-support if she was diagnosed of anything. Hindi rin alam ng family niya kung bakit. Kahit workmate or friends, wala. Sa diary niya na 'yan, she didn't provide any detail aside from she wanted herself gone. Every entry niya laging may ganoon. It seems like she hated her life."
Jax bit his lower lip. Binuklat niya ang bawat pahina at ganoon nga ang naroroon. Sa bawat entry ni Miss Jess sa diary ay parating mayroong nakasulat na gusto na niyang mawala.
"Then few weeks and days bago siya mawala, as you can see sa entries niya, pa-ikli na nang pa-ikli ang isinusulat niya. May mga tuyong patak na rin ng luha. Then the night before she went to the party, look at her last entry."
Binuklat ni Jax ang last page ng diary at doon siya lalong nanlamig.
'The sadness will last forever. - Vincent Van Gogh'
Pareho silang nanahimik. Walang makapagsalita, kapwa awang-awa sa sinapit ng guro.
"Saan mo 'to nakuha?" tanong ni Jax at muling tiningnan si Lhindee.
"Sa nanay niya," sagot nito. "Noong una, ayaw nilang ibigay. Hindi nila matanggap ang nangyari sa anak nila. It is easier if you have someone to blame, I understand them. Pero noong binasa nila ang entries sa diary ng anak nila, they knew she probably did that to herself. Alam nilang may tendency siya. I commend their bravery to admit that."
"How sure are you na si Miss Jess ang mga nagsulat nito?" tanong ni Jax. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang maniwala. "I get it, she's emotionally unstable. Pero ang insensitive na i-i-isolate lang natin ito roon."
Ngumiti ang lalaki at may inilabas na dokumento at ipinatong iyon sa table. Kinuha naman iyon ni Jax at tiningnan.
"Ipina-analyze ko ang handwriting niya at nagtugma sa penmanship ni Miss Jess. The graphology even suggested that her emotional state based on her handwriting was... I can't even describe how sad it was."
Tugmang-tugma ang lahat ng sinasabi ni Attorney Lhindee sa mga dokumento.
Jax closed his eyes hardly. Sumandal siya sa upuan at hindi malaman ang gagawin.
All this time, pinagtuunan nilang may iba ang killer only to be confronted with a tendency that Jess probably did it to herself all along.
"Last question," sabi ni Jax. "Bakit sa tingin mo sa party niya mismo tinapos ang sarili niya? May naka-ukit pa sa balat niya na The Witch Hunt starts. Why would she do that to herself? That's a painful death."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"