PART THIRTY-FOUR: Braelyn's Plan

58.6K 4.6K 4.8K
                                    

THIRD PERSON POV.

Pinanunuod ni Jax ang anak ni Hazel na nasa harapan niya. Pinaglalaruan nito ang mga pagkain at puro crumbs ng biscuit ang mukha.

"Masarap 'yan?" malumanay niyang tanong dito.

Tumango ang bata kahit hindi siya tinitingnan. Inilahad niya ang palad niya rito at ngumiti.

"Pahingi naman si tito pogi," sabi niya.

Umiling lang ang bata at isinubo nang buo ang isang biscuit.

Bahayang natawa si Jax at kinuha ang panyo mula sa bulsa ng coat niya. Pinunasan niya ang crumbs sa mukha ng bata at hindi niya maiwasang maawa rito.

"Don't rush your foods, baka hindi ka matunawan. Hindi na manghihingi si tito pogi, promise."

Tiningnan lang siya ng bata at bumungisngis bago muling itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Sir, excuse po."

Tumaas ang tingin ni Jax sa nagsalita. Nakilala niya ito bilang ang dating asawa ni Hazel, nagpakilala na sila sa isa't isa kanina. Nakasuot ito ng purong itim at namumugto pa ang mga mata.

"Okay lang po ba?" tanong nito sa kaniya at itinuro ang anak.

"Sure," tipid na sagot ni Jax.

Kinuha ng lalaki ang bata at binuhat.

"Naku, ang dungis mong bata ka. Baka sabihin ng mommy mo pinababayaan kita."

Umalis na ang lalaki at buhat-buhat ang bata. Kumaway pa ang bata sa kaniya. Ngumiti naman si Jax rito at kumaway pabalik.

Nang nawala na ito sa paningin niya ay doon na rin nawala ang ngiti niya.

Pinanuod ni Jax ang paligid. Ito ang unang gabi ng lamay ni Detective Hazel. Napakarami na ring pumunta, may mga sikat na personalidad pa. Halatang napakabuti nitong tao kaya maraming pumunta para makiramay. Awa ang naramdaman ni Jax sa mga naiwan nito, lalo na sa napakabatang anak.

She died while trying to help them. Finding the culprit and giving her and the other victims the justice they deserve is the least thing that they can do.

Alam niyang hindi lang kabataan ang kalaban nila. Demonyo ito. King hindi nila ito mapuputulan ng sungay ay magiging sakit pa ito ng ulo ng lipunan.

His phone beeped. He checked it.

'Still unconscious, boss.'

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Hale. Isa ito sa mga alas nila. Paniguradong marami itong alam at dahil sa nangyari sa kaniya, kampante siyang tutulong ito. Sana ay ganoon nga.

Jax was about to hide his phone but then again, it beeped. This time, it was from Howell.

'Info received. Go to our safe place, Scott.'

In a snap, Jax fled to the safe place with a smirk. Narating niya ang office nila at doon ay nakita niya si Howell na tutok na tutok sa screen ng laptop nito.

"Oh, you're here?" tanong nito.

Hinubad ni Jax ang coat niya at niluwagan ang neck tie niya. "Na-email na ni Tyler 'yong hinihingi ko?"

"Yes, buddy," sagot ni Howell. "I also skimmed it dahil alam kong tamad ka."

Jax laughed a bit. He was nervous, somehow.

"Saan pala nakuha ni Tyler Scott itong listahan ng mga dating miyembro ng Eagle Cult?" tanong ni Howell. "Ang angas ha."

Ngumisi si Jax. "From the Death Chasers' Dark Raven, for sure."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon