SEASON 2 PART 7

28.4K 1.5K 1.1K
                                    

A/N: Happiest 25th month, unveilers! As you know, nasa Germany si author n'yo kaya I had problems with time difference but here we go.

Enjoy!

———

REIGN.

"Hi, Murderer..."

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Hale sa pagkakataong ito. Pero kitang-kita sa mukha niya ang pagkabigla.

Hale was sitting at the back. He was staring at me fiercely and furiously. Lahat ay napalingon na rin sa direksiyon niya. Curious ang lahat.

I saw how Lyle smirked seeing Hale's reaction.

"Excuse me, Miss Harriett..." biglang sabi ng teacher namin nang mapansin niya ang tensiyon. "What's going on?"

Walang kumikibo sa amin ni Hale. I suddenly smiled to our teacher.

"Ah, I know Hale po kasi. We were friends back then. We used to call each other murderers. That's... nothing but a mere endearment po. Unless... totohanin niya..."

Lalong naging awkward sa room. Hindi nagsasalita si Hale at nakatitig lang sa akin at nag-iigting ang panga. Alam kong sa sandaling 'yon ay gusto na niya akong saktan.

"Of course, endearment lang. I don't kill people, though," Hale suddenly said. "Napagbintangan pa nga ako, 'di ba? Trauma pa ang inabot ko. I deserve all the apology."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman Bachelor of Psychology Major in Lies and Gaslighting ang course niya pero ganap na ganap siya.

"Sige, kwento mo 'yan, e," pabiro kong sagot na ikinatawa ng klase.

I saw how pissed Hale was. Halatang-halata iyon sa mukha niya. Iyon naman ang gusto ko. Mamatay siya sa inis.

Hindi ko na siya pinansin at tiningnan na ang klase.

"Again, I am Reign Harriett. You may call me Reign and I am hoping na sana maging okay tayo sa class. Please take care of me."

Binati naman nila ako at ngumiti ako.

"Miss Harriett, you may sit beside... uh..."

Naghanap ang teacher ng bakanteng umupan. Lyle cleared his throat so loud na lahat kami ay napatingin sa kaniya. May bakanteng upuan sa tabi niya.

"I'm sorry to turn you down, Mr. Heimsworth pero may katabi ka, absent nga lang. How about at the back, Ms. Harriett? Beside Mr. Parker, since friends naman kayo."

Nawala ang ngiti ni Lyle at napangisi naman si Hale.

"Kung okay sa kaniya, Sir," Hale said. "I bet not. Masiyadong maarte 'yan."

"No, okay lang sa 'kin, Sir. Para naman matulungan ko si Hale. Balita ko puro bagsak exam niya, I'm glad I could help. Slow pa naman siya maka-pick up."

Nagtawanan ang klase at kita ko ang inis sa mukha ni Hale. Ayaw na ayaw niyang napapahiya at iyon ang ginagawa ko ngayon.

"Alright, Ms. Harriett, go on," our teacher.

Nagsimula na akong lumakad papunta sa direksiyon ni Hale. He was looking at nothing at me. There was something in his eyes, as if he was observing me and threatening me but I showed no fear at all.

Umupo ako sa tabi niya at hindi kumibo. I caught Lyle looked back at me and Hale. We made an eye contact and didn't say a thing.

While our teacher was reminding the class of the house rules, Hale suddenly said something

"Alam mo naman siguro ang pinasok mo, ano?" tanong niya at alam kong may iba iyong kahulugan.

"Ako pa ba?" tanong ko. "Hindi ako pumapasok sa isang bagay na alam kong talo ako."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon