"You're safe now..."
We were just looking at each other's eyes deeply and I can hear nothing but the song playing in our shared earphones.
He was still hiding me inside his jacket and I can feel the warmth coming from his body.
"Hmm?" maang kong tanong habang walang nag-aalis ng tingin namin sa isa't isa at ang kamay niya ay naka-yakap pa rin sa akin.
At sa ikalawang pagkakataon matapos kong tanungin iyon ay nakita ko kung paano tumaas nang bahagya ang sulok ng labi niya.
Tipid na ngumiti siya ulit sa akin at doon ko napansin ang namumula niyang pisngi at namumungay na mga mata na bahagyang natatakpan ng bangs niya.
"I said you're safe now," he said and his voice sounded like a whisper.
Tiningnan ko ang dinaanan ng mga lalaki at nang makitang wala na roon ang mga humahabol sa akin ay doon na ako nakahinga nang maluwag.
"Salamat—"
Agad akong napahinto nang pagharap kong muli sa kanya ay nakita kong titig na titig siya sa mukha ko na para bang ino-obserbahan ang bawat detalye nito.
I suddenly felt awkward and didn't know what to do.
"Bakit?" tanong ko nang maramdaman ang pamumula ng pisngi ko.
From looking at my eyes, I saw how he rerouted his eyes to the bridge of my nose, then down to my lips.
"M-May...problema ba?" tanong ko.
The guy didn't respond. Instead, his lips started to inch the gap of our face.
"Anong...gagawin mo...?"
He wasn't saying anything. He continued inching our gap and in my great horror, I gulped as I closed my eyes hardly.
"'Wag mo 'kong halikan, please..." bulong ko habang nakapikit nang mariin.
Unti-unti kong naramdaman ang paglapit ng mukha niya hanggang ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang ginawa niya.
As I opened my eyes, I saw how he placed his head on my shoulder.
"Hoy," sabi ko rito. "Okay ka lang?"
Ngunit hindi ito sumasagot. Nakapikit na ito at halos tumumba. Agad akong napayakap sa kanya para alalayan siya.
"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong kong muli. "Okay ka lang?"
Nang maramdaman ko ang hininga niya ay doon ko lang napagtanto na amoy alak ito at namumula pa ang pisngi at leeg.
"Lasing ka ba?" tanong ko at tinapik-tapik ang pisngi nito ngunit hindi ito sumasagot.
"Huy, lasing ka?" tanong ko ulit pero hindi siya sumasagot at himbing na nakapikit na sa balikat ko.
Napa-buntong-hininga ako.
Lasing nga ang gago.
Almost an hour later, I found myself inside the convenience store. Ilang minuto kaming naka-upo sa labas habang natutulog ang mokong sa balikat ko at hindi ko malaman kung dapat ko na ba siyang iwanan. Awa ng Diyos, pinapasok kami ng manager ng store at nagsinungaling nalang ako na may susundo sa amin kahit wala.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"