PART FOURTEEN: His First Victim

95.4K 6.6K 14.4K
                                    

"LYLE KILLED THE ADVISER!"

Bahagyang napakamot ng ulo si Prosecutor Jax at tiningnan ako. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkayamot.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niya. After class ay finally, nag-reply na siya sa e-mail ko. Nakipagkita siya sa 'kin malapit sa school at habang inihahatid ako sa unit ko ay doon namin pinag-usapan  ang lagay ng mission ko.

Nag-kwento ako tungkol sa lahat.

Ang pagiging gay ni Nash at pagkalat ng scandal niya sa room.

Ang koneksyon ni Missi kay Levi, Grey, at Lyle.

Ang nangyari sa amin nina Reese, Braelyn, at Missi patungkol kay Jal.

Ang ginawa ko para ma-obtain ang hibla ng buhok ni Everleigh.

LAHAT.

Wala naman pala siyang balak na sibakin ako sa trabaho. Gusto niya lang malaman ko na hindi ako dapat maging emotionally attached kung kanino man. Na kapag may nalaman ako, kahit ikasisira pa nito, dapat kong sabihin sa kanya dahil iyon ang trabaho ko.

"Look, Reign," sabi ni Prosecutor Jax. "Masyado 'yang maagang sabihin. Let's say Lyle has a tendency. Pero hindi iyon enough basis."

"Eh ganoon din naman ang 12-A, a?" tanong ko. "Lahat ng mayroon sila ay tendencies lang."

"Totoo. Pero ang ipinagkaiba, present sila sa krimen, si Lyle, hindi," sagot ni Prosecutor Jax.

"Ano bang alibi niya bakit wala siya roon?"

"He had a photoshoot," sagot ni Prosecutor Jax at ibinigay sa akin ang isang magazine. "Ayan 'yon."

Tiningnan ko iyon at si Lyle nga ang nasa cover page.

"E, kahit na," hindi kumbinsido kong sagot. "He killed the adviser the same way the 12-A did. Hindi mo ba narinig sa recorder, Prosecutor Jax? Inamin niyang siya ang gumawa. Sa kanya mismo nanggaling na ginagawa niya 'yon dahil sa hirap na tiniis niya dahil sa kanila. Who knows, baka pinatay niya 'yong teacher para i-frame up ang buong section. Then it just happens na si Hale ang nakadiskubre. Ngayon, he changed his plan at gusto na lang sirain ang buhay ng bawa't isa."

Prosecutor Jax looked at me. "Tingin mo ba hindi namin naisip 'yan, Reign? We did. Pero kahit na anong anggulo namin tingnan, wala kaming makitang matibay na motibo para ilagay si Lyle sa suspect list. Isa pa, kapatid siya ni Avery. He's a Heimsworth, after all."

I rolled my eyes. "Si Avery din naman anti-corrupt pero bakit ang tatay niya, mandarambong?"

Prosecutor Jax's eyes widened. "REIGN!"

"Bakit?" tanong ko. "Ang ibig kong sabihin, wala sa apelyido 'yan. Wala sa dugo 'yan. Kung kriminal ka, kriminal ka. Lumaki akong may trust issue, ano? Hindi ko pinasok ang trabahong 'to para magtiwala."

"Really, Reign?" he asked. "How about Grey?"

Maang na tiningnan ko si Prosecutor Jax.

"Nasa suspects list mo rin ba siya?"

"S-Siyempre!" defensive kong sagot. "Lahat ay suspect, 'no."

"Siguraduhin mo lang," tugon niya. "Ayokong dumating ang araw na kapag nalaman mo kung sino talaga ang gumawa ng krimen, mahihirapan kang isuplong dahil attached ka na. Bukod sa failed agad ang mission mo, naging accessory to the crime ka pa. Damay ka, Reign. You're in legal age now, pwede ka nang makulong."

"Kailangan talaga manakot?" tanong ko.

Natawa siya. "Pina-aalalahanan lang kita."

May kinuha ito at ipinakita sa akin. Iyon 'yong buhok ni Everleigh na nasa sachet na.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon