Someone else killed Serene. Hale is innocent.
Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko buong-gabi matapos kaming mag-usap ni Hale. Ni-hindi man lang ako nakatulog sa loob ng kulungan.
Paano kung ganoon nga ang nangyari? Paano kung all this time, inosente si Hale at mali ako ng pinagbibintangan? Tapos ang totoong salarin ay nasa labas lang, kakilala ko, at tuwang-tuwa dahil nakalusot siya sa krimeng ginawa niya at ako ang nadawit?
Knowing Serene, marami na siyang naagrabyadong tao. Marami ang galit sa kaniya at for sure, marami na siyang nagawang hindi maganda. Siguro, hindi na iyon nakapagtimpi at ginawa na ang krimen.
Pero knowing Hale rin, wala siyang hindi kayang gawin. Kaya niyang paikutin ang lahat sa kahit na ano mang istoryang gusto niya.
Pati nga kami napaikot niya noon. Ganoon siya katindi kaya hindi ko rin siya maalis sa suspect list ko.
"Harriett?"
Nasa sulok ako ng selda at nakapatong ang ulo sa tuhod ko.
"Reign Harriett?"
Nang marinig ko ang pangalan ko ay ngtaas ako ng tingin. Ang boses ay nanggagaling sa isang pulis na nagbukas ng pinto.
"Laya ka na," dugtong nito.
Masama ang tingin sa akin ng mga nasa selda. Tumayo ako na hindi man lang nagulat. I expected it. I anticipated it.
Because last night...
I took Hale's bait. I accepted his offer to be his puppet. It was the only way.
Lumabas ako ng selda at ang tumambad sa akin ay si Detective Howell. Ito ang unang beses na nakita ko ulit siya matapos ang panlolokong ginawa niya sa skin noon.
Nakaupo siya sa gilid at nagce-cellphone lang. Naka-de-cuatro pa ito na upo at bored na bored. Mukhang napilitan pa itong sunduin ako.
"May klase si Hale, may appointment si Jax. Kaya ako ang sumundo sa 'yo," sabi nito baho tumayo. Doon lang ako tiningnan. Maging ang mukha nito ay bored na bored.
Inirapan ko ito. Galit na galit talaga ako sa lalaking 'to.
"Kung ayaw mo akong makita, mas lalong ayaw kitang makita," mapanuyang sabi sa 'kin nito. "Pasalamat ka nga't may tumutulong sa 'yo. Kung ako lang, hahayaan kitang mabulok dito. Walang utang na loob."
Umiling ito at ngumisi bago makipagkamay sa pulis. Sabay akong tiningnan ng dalawa, parehong natatawa at halatang kinukutya ako. Hindi na lang ako kumibo.
Paglabas namin ng presinto ay napakaraming reporters. Mabilis nila akong sinalubong at pinaligiran.
"Totoo bang ikaw ang pumatay kay Serene?"
"Maraming tao ang nagsasabing hindi ka inosente. Anong masasabi mo rito?"
"May gusto ka bang sabihin sa mga taong ayaw paniwalaan ang mga ebidensiyang inosente ka?"
Bigla akong nag-panic. Napakaraming tao ang pinaliligiran ako, napakaraming mic ang nakapaligid sa akin. May mga sumisigaw sa likuran at pilit na lumalapit, galit na galit ang mga ito.
Kaliwa't kanan ang nagtatanong. May mga flash galit sa mga camera. May sumisigaw. Nagkakagulo sila.
Bigla akong naluha. Hindi ko malaman ang gagawin. Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Ang ebidensiya na mismo ang bahalang magpaliwanag para sa kaniya," sabat ni Detective Howell. "Sa ngayon, hangga't hindi kayang patunayan na guilty ang kliyente namin, mananatili siyang inosente. Salamat."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"