PART THIRTY-NINE: Reese's Secret

66K 5.1K 11.3K
                                    

THIRD PERSON POV.

"I LIKE YOUR GIRLFRIEND, GREY."

From looking at nothingness, Lyle looked at Grey who was sitting right beside him.

"I like Reign."

Hindi kumibo si Grey. Kasalukuyan silang naka-upo sa wooded bench malapit sa school field. Katatapos lang ng kaguluhan. Si Reign ay dinala sa clinic at sinundo ng nagpakilalang guardian nito. Si Jal naman ay tumakas nang mahimasmasan dahil sa gulong ginawa niya.

Si Lyle naman ay ginamot sa clinic. Malaki ang sugat nito sa leeg at pinilit itong dalhin sa ospital pero ayaw nito.

Left with no choice, they treated him and contacted his manager. Ngayon ay paparating na ito. Kahit anong pilit ng doktor na mag-stay siya sa clinic ay wala itong magawa. Lyle was stubborn. Kaya naman hindi umaalis sa tabi nito si Grey hangga't hindi dumarating ang manager nito.

If it weren't for Grey, baka kung saan na nagpunta si Lyle at baka lumala pa ang sugat nito.

"Grey..." Lyle mutterred. "Ang sabi ko gusto ko si Reign. Hindi ka man lang ba magagalit?"

Hindi pa rin kumikibo si Grey. Nakatulala pa rin siya sa kawalan. Sari-sari ang pumapasok sa isip niya.

Nag-aalala siya kay Reign.

Nag-aalala siya kay Lyle.

Nag-aalala siya para sa sarili. Alam niyang hindi na niya pwedeng balikan ang soccer team niya.

"Grey," Lyle said. His voice sounded desperate. "I said I like your girlfriend and it's making me nuts. I like your girlfriend and I don't know what to do!"

From having an expressionless face, a smile curved on Grey's lips. Sumandal siya sa bench at bumuntong-hininga.

"Who wouldn't like her?" tanong ni Grey na parang wala lang sa kaniya ang narinig.

Kumunot ang noo ni Lyle. "Hindi ka galit?"

Umiling si Grey.

Lyle snickered. "Sira na ang ulo mo. May nagkakagusto sa girlfriend mo—hindi nga lang pagkagusto, he wants her so bad that he would steal her if he could. Tapos okay lang sa 'yo?"

"Kahit gusto kong magalit, hindi ko magawa," sabi ni Grey at tipid na ngumiti. "You saved her, Lyle. Kung wala ka, baka kung ano na ang nangyari sa kaniya."

Lyle sighed. Grey reacted the way he expected him to be.

"Kailan ka ba titigil sa pagiging mabait?" tanong ni Lyle. "Ang hirap mong kamuhian. Go on, show your bad side so I can finally see you as a rival."

Grey smiled a bit. "I know."

"Grey—"

"I know you like her."

Lyle was partly shocked. "You know?"

Tumango si Grey. "Iba ka tumingin sa kaniya. You don't look at her the way you look at other people. Hindi ka mukhang bored. Mukha kang interesado. Minsan ka lang magkaroon ng interes sa ibang tao, sobrang bilang sa daliri. That's why I know you like her. You don't look at her as if she's one in the class. You look at her as if she's the only one in the class."

Lyle gulped. Tamang-tama si Grey.

"Kung may tumitingin ng ganiyan sa girlfriend mo, you should get mad," sabi ni Lyle.

"I am mad, Lyle," sabi ni Grey at tiningnan siya at ang leeg niya na may bandage. "Pero kung magagalit ako sa lahat ng titingin sa kaniya, sobrang immature ko naman. I trust her. Sapat na assurance na 'yon para sa sarili ko na kahit maraming tumingin sa kaniya, ako pa rin ang pipiliin niya."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon