PART THIRTY-TWO: The Mystery of The Letter E.

81.9K 5.5K 9K
                                    

REIGN.

"Hazel is gone, so does Cedrick."

Napalunok ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nasa loob ako ng kotse at kasama ko si Prosecutor Jax. Kahit na madilim ay tanaw namin mula rito ang nakakapangilabot na crime scene.

Pagkatapos kong maka-usap ang killer ay tinawagan ko si Prosecutor Jax para humingi ng tulong at sabihin kung ano ang nangyari. Pinuntahan naman niya ako habang si Detective Howell ang tumawag sa mga pulis at rumesponde sa crime scene. Kahit sa 911 ay nawalan na ako ng tiwala.

Nadiskubre nila ang wala nang buhay na katawan nila Detective Hazel at Detective Cedrick sa loob ng pulang kotse sa parking lot. Pareho silang may butas sa ulo.

Pinalilibutan ito ngayon ng mga pulis at ng forensic. Hindi ko maiwasang mangilabot sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Rinig na rinig ko ang lahat—maging ang pagpatay sa kanila. Maging ang halakhak ng salarin, rinig na rinig ko pa rin.

Mag-a-alas dose na rin ng madaling araw. Sa gitna ng mahimbing na tulog ng mga tao ay isang krimen nanaman ang bubungad sa kanila kinabukasan.

"May anak po si Detective Hazel, 'di ba?" nanghihina kong tanong. "Ano na pong... mangyayari?"

"Ano pa ba?" tipid na sagot ni Prosecutor Jax at bumuntong-hininga. "Ulila na ang bata."

I bit my lower lip. Thinking about how Detective Hazel begged for her life for the sake of her child, it made me feel sad and sick. She wanted to live not for herself, she just... wanted to be with her child. That's utterly tragic.

Napatingin ako sa bintana at kita ko ang pamumuo ng luha mula sa repleksyon ko. Maging ang tuhod at ang mga kamay ko ay patuloy pa rin ang panginginig. Nakakatakot at nakakagalit.

Walang kumikibo sa amin ni Prosecutor Jax. Sobrang patay ng atmosphere at maging ako ay ayaw nang magsalita.

Pareho lang kaming napatingin sa harap nang mula sa crime scene ay lumakad palapit sa amin si Detective Howell. Sobrang lungkot ng mukha nito at halatang nanghihina. Jax opened the window for him.

"Anong lagay?" bungad ni Prosecutor Jax.

Howell sighed hard. "On the way na 'yong detective na magiging in-charge. Ako na muna ang tumingin para hindi na nila madaya."

"Madadaya nila 'yan," Jax said bitterly. "They'll do something to fit this into their narrative."

At iyon ang sobrang nakakagalit.

"May na-recover bang kahit na anong evidence?" Prosecutor Jax followed.

"Wala pa. Nag-r-rely sila ngayon sa footage at DNA. Ewan ko ba," sagot ni Howell. His voice even broke. Mukha na siyang mag-b-break down anytime.

I mean, Hazel and him were friends. Sobrang naiintindihan ko.

"Parating na ang family ni Hazel. Few minutes, darating na rin ang media,"nagtanggal si Prosecutor Jax ng seat belt at nagsuot ng coat. "Howell, sa inyo mo na muna patuluyin si Reign overnight. She's safe with your wife. May klase pa siya bukas, she can sleep there peacefully, at least."

"Ikaw? Saan ka pupunta?" takang tanong ni Howell nang buksan na ni Prosecutor Jax ang pinto at lumabas. Tiningnan ko sila at pinanuod.

"I'll watch over the crime. Wala akong tiwala sa kukuhaning prosecutor," tipid nitong sagot at nilingon ako. "Reign, do you still have the recording?"

Ang tinutukoy nito ay ang tawag na na-record ko. Naglalaman iyon ng pag-uusap ni Detective Hazel at ni Cedrick, maging ang pag-uusap namin ng totoong salarin.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon