REIGN.
"ANAKAN MO 'KO GREY, KAHIT BATIK-BATIK!"
Naghiyawan ng tawa ang mga estudyante sa bleachers namin dahil kay Reese. Kasalukuyan kaming nasa soccer field ng school at pinanunuod ang The Crows Soccer Team na kalaban ang The Serpents na soccer team ng kabilang school.
Noong una, I found it unusual. Pero nang i-explain ni Braelyn na ginagawa daw 'to annually kasi walang soccer field ang kabilang school. Puro raw kasi sila matatayog na school building.
Hindi naman siya actual na laban. More on training, ganoon. Kaya heto kami at pumasok isang oras bago ang klase namin para lang makapanuod.
"Anong batik-batik, sisiw ka?" biro ni Missi kay Reese at napatili nang maagaw ng kabilang team ang bola. "IBALIK MO 'YAN! WALA! WALA! AAAAAAH!"
Napatili ang lahat nang muntikan na itong mag-goal pero naagaw ng The Crows ang bola. Pati ako na tahimik lang manood ay napatayo at napakagat sa mga daliri.
"I-goal n'yo 'yan!" sigaw ni Braelyn na humahalo sa kaliwa't kanang tilian. "'Pag tayo nalampaso sa sarili nating soccer field, umuwi na kayo!"
Natawa ako dahil gigil na gigil talaga siya. Siya ang pinakamaliit sa amin pero siya ang may pinakamalakas na boses.
Napatili na rin ako nang muling maagaw ng kabila ang bola. Bumalik ito sa area nila at naghabulan.
"The Crows 'pag natalo kayo, i-a-adobo ko kayo!" sigaw ni Reese. "Magaling naman kayo manulot ng jowa nang may jowa, agawin n'yo 'yang bola, piste!"
Lalo kaming natawa.
"Bakit?" tanong ko kay Braelyn.
"May issue kasi last year. May teacher sa atin na nang-agaw ng asawa," sagot niya.
"Lahat ng chismis alam mo, 'no?" nakangisi kong tanong.
"Ako pa ba?" sagot ni Braelyn at bahagyang natawa. "Sa chismis na lang ako nabubuhay."
Napa-iling na lang ako at nagulat nang muling nagtilian at nagsisisigaw ang lahat.
NAKUHA NI GREY ANG BOLA!
Napakagat ako ng labi. Ang bilis ng mga pangyayari!
"GREY, IPAKITA MONG HINDI KA LANG KULAY!" sigaw ni Reese.
"Kulayan mo ang buhay ko!" sigaw din ni Missi.
Nagtawanan kami kahit na ninenerbiyos.
Kung titingin ka sa field ay si Grey agad ang una mong mapapansin. Bukod kasi sa sobrang puti niya dahil na rin sa araw at sa itim na soccer uniform nila, siya rin ang pinakamatangkad sa kanila.
Ikinunsulta ko na ito kila Detective Howell at Prosecutor Jax. Araw-araw ay nag-s-submit pa rin ako ng narrative report about sa mission ko kahit na hindi na na-r-review ni Prosecutor Jax madiyado. Sobrang busy na kasi niya kaya si Detective Howell na ang nag-h-handle.
Sinabihan ko sila kung ano na ang namamagitan sa amin ni Grey. Sinabi ko kay Detective Howell na nagkakabutihan na kami to the point na we are referring to ourselves as girlfriend and boyfriend.
At first, akala ko magagalit sila. Pero nang i-remind sa akin ni Detective Howell ang tungkol sa Project Grey, na kung saan dapat kong makuha ang loob nito para malaman ang sikreto ng 12-A dahil si Grey ang president at nakakaalam ng lahat, ay tuwang-tuwa pa si Detective Howell.
Ang sabi niya, it shows that I am succeeding. Nang tanungin ko siya kung good thing ba iyon, ang tanging advice niya lang ay dapat daw mas ma-fall si Grey sa akin. Kumbaga, if I like him, he should like me more. He must like me deeper. Para sa dulo, hindi ako ang dehado.
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"