"Bulalo, Sea Food, Chicken, Beef, or Batchoy?"
From looking at the cup noodles, Grey's eyes landed on me. He smiled automatically after seeing me.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
Kasalukuyan kaming nasa convenience store. Ala-una na ng madaling araw at hindi pa kami umuuwi. Nang magkita kami sa bus station kanina ay laking gulat ko nang yakapin niya ako at marahang umiyak pagkatapos.
Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may problema siya at for sure, family related iyon dahil kanina niya pang ayaw umuwi.
"Sea Food," sagot ko at tiningnan ang mga hawak niya. "Sa 'yo?"
"Sea Food na rin sa 'kin," sagot niya at bahagyang natawa. Kumuha siya ng dalawa mula sa tambak na mga cup noodles.
"'Yung malaki!" habol ko at pabirong ngumiwi. "Sa school pa kasi huling kain ko."
Lalong lumapad ang ngiti ni Grey at kinuha ang mas malaki pang cup noodles.
"Kaya ka patpatin, ang dalang mong kumain. Mukha ka nang walis," sabi niya at pumunta sa lugar kung nasaan naroroon ang mainit na tubig.
"Nagsalita ang matangkad na payat?" biro ko at akmang tatayo ako para tumulong pero umiling siya at sinenyasan akong 'wag nang tumulong.
"Kaya ko na 'to," sabi niya at binuksan ang isang cup noodles. "Just sit there and don't you dare look at someone else."
Bahagya kaming nagkatawanan. Kanina kasi nang dumating kami ay may grupo ng mga kasing-edad namin ang nasa loob at panay ang lingon sa amin. Panay din ako tingin sa kanila dahil na-a-anxious ako.
Habang pinanunuod si Grey ay dumapo ang tingin ko sa braso niya. Kanina ay panay tulo ang dugo mula roon at ayaw tumigil.
Kaya pumunta kami agad sa malapit na convenience store para bumili ng mga gamot dahil walang bukas na drug store. Doon ko na rin nilinis ang sugat at awa ng Diyos ay tumigil ang pagdurugo.
Ayaw pa nga niyang sabihin sa akin kung napano siya. Ang sabi lang niya, nadisgrasya siya kanina habang nag-b-bike. Hindi ko man tanungin ay halatang matulis na bagay ang sumugat sa kanya.
"See?" tanong ni Grey nang lumapit at dala-dala ang dalawang cup noodles. "I'm a man now."
"Kaya pala nanginginig ka?" pabiro kong tanong.
"Well, mainit, e," rason niya at umupo sa tabi ko.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" tanong ko. "Ala-una na. Baka ma-curfew ka."
"Well, I'm eighteen now," nakangiti niyang rason. "Curfew who?"
"Tss," sagot ko.
Birthday pala niya ngayon. Kung hindi pa nag-tweet si Braelyn ay hindi ko pa malalaman. Buti nabasa ko iyon habang nasa bus ako. Kaya kanina ay ako raw ang unang bumati sa kanya.
"I'll buy you a gift," sabi ko at tinanggal ang takip ng noodles at humigop ng sabaw. "Ano price limit n'yo as birthday gift sa klase?"
"Hmmm..." pag-iisip ni Grey. "Nabibili ka ba? Magkano ka?"
Nasamid ako sa hinigop kong sabaw at literal na inubo. Natatawang binigyan ako ni Grey ng tissue at ng tubig.
"Kung nabibili ka, mine and grab ko na para iwas steal."
"Greysen Finch!" I said irritatedly, joking.
He just laughed it off. "Why?"
"Seryoso kasi ako, damuho ka."
BINABASA MO ANG
"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)
Romance[PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"