PART FORTY: The Break Up

68.1K 5.5K 10.4K
                                    

REIGN.

"Hi, Lyle. Si Reign ito. Gusto ko sana magpasalamat tungkol sa nangyari last week. Kailan ka free?"

Tiningnan ko ang tinype ko sa cellphone ko. Iniisip ko pa rin kung i-s-send ko ba o hindi. I sent Lyle a message last night pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply.

'Wag na lang kaya? Baka kailangan niya ng panahon para mapag-isa?

I sighed. Bahala na nga!

Soon as I sent the message, pinatay ko na ang phone ko at ipinatong sa table ko.

Monday ngayon at last day ko na sa convenience store. Mamayang tanghali pa raw kasi ang dating ng employee nila Detective Howell kaya nagpatulong sa akin si Ate Gladz sa store. Mamayang tanghali pa rin naman ang klase ko kaya tumulong na ako. Pumayag naman si Prosecutor Jax na busy sa trabaho.

Ang sabi ni Detective Howell ay pinag-iinitan daw nito si Sir Ivan lately at iniimbestigahan ito. Si Sir Ivan daw kasi ang main suspect ni Prosecutor Jax lately. Tingin niya ay iyon ang pumatay kay Detective Cedrick at si Sir Ivan din ang naka-usap ko noon sa cellphone.

Nag-beep ang phone ko at mabilis ko iyong kinuha at binuksan. Awtomatiko akong napasimangot nang text lang pala ng 'yon ng phone carrier ko at mag-e-expire na raw ang load ko sixty minutes from now.

Malungkot akong ngumiti nang makita ko ang I.D picture ni Grey sa likod ng phone ko. Naalala ko tuloy 'yong nagpalitan kami ng I.D pictures dati. Those were the days na sobrang okay pa ng lahat.

To be honest, kahapon pa ako naghihintay ng text or tawag man lang mula kay Grey. Active a day ago siya sa social media at nag-aalala na ako. He stopped texting me after he was officially kicked out from the soccer team. Alam kong hindi siya okay pero wala akong magawa.

I stalked Lyle's instagram too. Last week pa ang huling post niya. Nag-release din ng statement ang management niya at ang sabi ay magaling na ang sugat niya at wala nang dapat ipag-alala. Naibalita rin pala ang nangyari sa kaniya. I saw online articles about it. For a moment, nalimutan kong model nga pala siya at may fanbase rin.

Lyle saved me from Jal. Gusto kong magpasalamat kaso hindi ko alam kung paano. Sobrang hirap niyang hagilapin.

"Reign, ikaw muna ang bahala sa store ha," sabi ni Ate Gladz at may bitbit itong isang stray ng mga paninda niya.

"Ako na po riyan," sabi ko at akmang aalis ng counter nang pigilan niya ako.

"Ako na, kaya ko na ito. Diyaan lang naman ako sa tabi pupunta," sabi niya.

Napangiti siya nang mapansing nakatitig ako sa mga dala niya.

"Mag-e-expire na 'yong iba bukas at iyong iba sa makalawa," sabi niya. "Lagi ko ibinibigay 'yong mga malapit nang mag-expire sa mga pamilya roon sa bangketa. Gustuhin ko mang magbigay ng mga hindi malapit mag-expire ay hindi naman kami mayaman. Ito naman, kaysa itapon ko, ipamimigay ko na lang."

Tumangu-tango ako. "Sige po. Ako pong bahala sa store."

Kumaway ito at lumabas na. Ako na lang ang natira sa loob. Umaga pa lang naman at wala pa gaanong customer.

I checked my phone again at nakita kong trending ang isang blind item. Ayon sa insider daw ay may miyembro ng isang boy group at isang sikat na actor ang involved sa same-sex relationship.

Maraming naging theory at napakaraming hula. Nang makita ko nga 'yong comment na baka si Nash at Levi 'yon ay napa-iling na lang ako.

"Grabe nga mag-away 'yan kung alam n'yo lang," natatawa kong sabi.

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon