PART FORTY-TWO: Lyle and Braelyn

67.8K 5.4K 11.3K
                                    

"Grey, dito!"

Napalingon ako. Iyong pangalan na iyon ang iniiwasan kong marinig.

Kasalukuyan akong nasa loob ng canteen at kumakain. Hindi kagaya noon na marami akong kasama sa table at masayang nakikipag-usap, ngayo'y ako na lang ang mag-isa sa buong hilera. Walang kumakausap. Walang pumapansin.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag kay Grey. It was Braelyn. Magkatabi itong kumakain kasama sila Missi, Levi, Nash, at Everleigh sa iisang table. They were chitchatting and laughing. Grey was even smiling while listening to them.

Ngumiti ako nang malungkot nang makitang masaya na siya.

"Good for him..." bulong ko sa sarili.

Just then, Grey looked at my direction and our eyes met. I immediately looked away.

I closed my eyes. I deserve this.

Halos dalawang linggo na simula nang makipag-break ako kay Grey sa harap ng maraming tao. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako hinabol. Kung paano ko ipinagsigawang ginamit ko lang siya para makilala ako sa school.

Of course, hindi siya naniwala. Hindi raw iyon ang naramdaman niya. Harap-harapan ko siyang pinagtabuyan at ipinamukhang hindi ko siya minahal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano siya umiyak at nagmakaawa. It flashed back on my mind as if it happened yesterday.

"Let's break up..." naluluha kong sabi pero seryoso ang mukha.

Umugong ang bulungan. Lahay ng estudyante at mga guro na dumalo sa colloquium ay naguluhan.

Grey was confused too. He was smiling at me painfully as if he refused to acknowledge it.

"Reign..." sabi niya at unti-unting lumapit. "Is that a prank or what? That's not funny."

"I'm not pranking you," sabi ko at lumunok. "I'm breaking up with you. Simula ngayon, tapos na tayo, Grey. Ayoko na."

Lalong lumakas ang bulungan. Kahit ang mga kaklase namin ay hindi makapag-react dahil sa gulat.

Lumapit sa akin si Grey at umakyat sa stage. Naluluha na ito at halatang nasasaktan. "Y-You didn't mean that. I know you didn't."

"Ano bang alam mo?" sagot ko. "Pagod na 'ko sa 'yo, Grey. Ang hirap nong mahalin. Masiyado kang malungkot."

His lips parted. He didn't expect that. He looked down. He was hurting big time.

"Pati ako nadadamay sa malungkot mong buhay. Gusto ko nang makaalis sa 'yo. Hindi na kita mahal," my voice cracked. I bit my lower lip. "No, hindi naman kasi kita minahal."

From looking down, Grey looked up and met my eyes. Punung-puno ng luha ang mga mata nito.

"Hindi mo 'ko minahal?" tanong ni Grey. His voice was shaky.

"Oo," I answered, cold-heartedly.

"Kahit ni-minsan?" tanong niya.

"Kahit ni-minsan," sagot ko.

Doon na tumulo ang luha sa mga mata ni Grey. Bumuka ang bibig niya at may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Sobrang sakit sa akin na makita ko siyang ganoon.

"Reign... hindi ito 'yong sinabi mo sa 'kin..." sabi ni Grey. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. "I-I came all the way here because I want to hear your 'I love you'. Now... you're breaking up with me? Reign naman... it's a prank. I knew it."

"I'm not pranking you," sagot ko. "Grey, ayoko na sa 'yo. Hindi na kita gusto. Ano bang mahirap intindihin doon?"

"Naiintindihan ko pero hindi ko matanggap," sagot ni Grey. His voice broke. He was in deep pain. "Reign, what's going on, hmm? Ayusin natin 'to. Pag-usapan natin 'to."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon