PART FORTY-FOUR: Levi & Nash

75.8K 5.2K 13.1K
                                    

REIGN.

Sobrang awkward sa room at wala halos nagsasalita. Kung dati ay kaliwa't kanan ang nag-uusap at nagtatawanan, ngayon ay makikita mo ang lahat na nasa mga upuan lang nila at tahimik na nagsusulat.  Ito na yata 'yong unang araw na hindi nagalit ang kahit na isang teacher dahil sa ingay namin. Kahit sila ay nanibago rin.

"Bagong buhay 'yan?" biro ng isa naming teacher bago kami i-dismiss.

Ang ilan ay tipid lang na ngumiti, hindi kagaya noon na kahit maliit na bagay ay pagtatawanan.

"O siya, sige. Magbagong buhay nga kayo," sabi ng teacher namin nang lahat ay nakapagpasa na ng papel. "Class dismiss."

Saktong pagkalabas nito ay muling tumahimik ang klase. Walang nagsasalita o umaalis man lang. Nakarinig kami ng ingay mula sa isang upuan. When we looked at it, it was Lyle.

He took his things and went out of the room without even looking back.

Sa totoo lang, isa siya sa dahilan kung bakit sobrang awkward sa room. Dahil sa nangyari kahapon—mula sa pagkakabuking ni Braelyn, plano ng school na i-dissolve ang section namin, at ang sikreto ni Lyle—sobrang uneasy na ng section namin.

Parang ang lahat ay nagkaroon ng trust issue sa isa't isa.

Akala nga namin ay hindi papasok si Lyle dahil sobrang bigat ng na-reveal sa kaniya. Na after all, tama ang ginawa niya pero isa iyon sa naging dahilan kung ba't nasira ang pamilya niya at hanggang ngayon ay hindi pa totally healed emotionally ang ate niya. It was so brave of him to still go to class and I envied him.

"Ano, hindi pa ba aalis 'yong isa riyan?" pagpaparinig ni Missi. "Gusto naming mag-enjoy, oh."

Tahimik na natawa ang ilan. Napatingin ako kay Braelyn. Tahimik lang itong nag-c-cellphone sa upuan niya na parang walang naririnig.

"Sino ba 'yan, Missi?" tanong ng isa naming kaklase. "Name drop naman."

Napangisi ang ilan. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinag-t-tripan si Braelyn.

"Ayaw ko, 'no? Baka i-chismis ako niyan," sagot ni Missi. "Mahirap na. Baka gawan ako ulit ng powerpoint."

Doon na umingay ang klase at lumakas ang tawanan.

Tiningnan ko ulit si Braelyn. Halatang nagtitimpi ito.

"Ang tigas talaga ng mukha," bulong ng isa pa naming kaklase. "If I were her, mag-d-drop out na lang ako."

"E, kaso hindi ka ako kaya 'wag kang desisyon," biglang sagot ni Braelyn.

My eyes widened. Lahat ay nagulat din maging si Missi. Si Nash na tahimik lang na gumagawa ng mga hinahabol niyang seatworks ay napanganga. Si Levi ay napangisi at napailing na lang.

"Woah..." reaksyon ni Missi. "May naririnig kayo? Parang may nagsalita mula sa ilalim ng lupa?"

"Baka 'yong real identity mo 'yon na matagal mo nang ibinaon sa limot, huh, Ellie?" sagot ni Braelyn.

Napatakip ako ng bibig. Maging ang karamihan sa amin ay ganoon din ang ginawa. Sobrang tapang ni Braelyn at hindi nagpapatinag kahit na kanino.

"YAH!" sigaw ni Missi at tumayo. "Ikaw na may kasalanan sa amin, ikaw pa ang galit?"

Tumayo rin si Braelyn at kinuha ang bag niya. Hinarap niya si Missi at ngumiti.

"Why?" she asked. "Truth hurts?"

Akmang lalapitan ito ni Missi nang pigilan siya ni Grey. 

"No, Missi," sabi nito. "Calm down."

"Catch Me, Attorney." (Law Series #4 || Season 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon