Chapter 7 (It is Over Now)

13.8K 340 1
                                    

Pagalit na lumakad si Kai patungo sa living room pagpasok namin ng bahay.

"Min Joon, go upstairs." Aniya.

"Dad... are you mad?" Tanong nito sa kanya.

"I said. Go. Up. Stairs." Matigas na pagkakasabi nito.

Sumunod naman si Min Joon at nanatili akong nakatayo sa may gilid ng sofa.

"Kai-"

"Naaalala mo ba ang huling sinabi ko sayo? 'Di ba I told you na wag kang pupunta sa meeting?! Bakit pumunta ka parin?!" He yelled.

"Eh kasi Kai...kawawa naman si Min Joon kung wala siyang representative doon."

"You don't get it, do you?!" He sighed. "Ayokong nakikita ka ng ibang tao, ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang bumalik ang nabuntis ko? Ayoko ng mapahiya ulit!"

"Yun lang ba Kai? Sabi na eh, yung sarili mo lang ang iniisip mo."

"What?!" He cursed.

"Wala kang pakialam kung wala siyang kasama doon. He's used to it. Sanay na siya na walang parent o guardian na umaattend sa mga school programs niya. He understands kung bakit ganun. He knows na kaya wala ako dun dahil I'm working for his future. Alam niya ring wala ang nanay niya doon kasi nawala siya." Napagtaasan ko na rin siya ng boses.

"Yun na nga eh...wala ang nanay niya. That's why you hired me to act as his mother. Kaya dapat lang na ginagawa ko yun. Mapapahiya ka? Ako ba inisip mo kung mapapahiya rin ako. Sabagay, I don't care kung mapahiya ako sa tao, besides nagpapanggap lang naman ako hindi ba?" 

Huminga ako ng malalim. "And kanina...kanina sa school, hindi mo nakita kung gaano kasaya si Min Joon dahil dumating ako doon. Lumuluha na nga siya sa stage dahil akala niya walang pupunta para sa kanya. Akala mo lang sanay na siya pero kinakaya niya lang, he's just trying to understand everything. Pero sa totoo lang, masyado pa siyang bata para intindihin ang mga ganitong bagay. Mali ang katwiran mong sanay na siya Kai, maling-mali" I explained.

"You're just an impostor! Wala kang karapatan! Hindi ka dapat nagdedesisyon ng kung ano ang sa tingin mo ay tama. I'm just paying you! Yung paghahanda mo ng pagkain para sa akin, ang pag-aasikaso, hindi ko hinihingi yun sayo. Hindi yun ang trabaho mo. Don't act like your my partner, hanggang pagiging ina ka lang ni Min Joon."

Bakit napunta sa pagiging partner ito?

Those words hit me. I can't believe na sinasabi niya sa akin ang ganitong bagay. I'm trying my best to be perfect for my job. Sa tingin ko ay sumobra na nga ako. Masyado ko na atang sineryoso ang pagpapanggap ko at dahil roon ay di ko napansin na pati responsibilidad kay Kai ay inako ko na rin kahit hindi naman dapat.

I'm sorry because I'm starting to like him, at nakalimutan kong bawal pala.

Hindi na ako nakapagsalita. Ano pa bang sasabihin ko? Tama naman siya.

"Siguro dapat itigil na natin ito bago pa mapunta sa kung saan." He sighed. "Pack your things, tapos na ang trabaho mo. Ibibigay ko na lang ang bayad ko sayo at bumalik ka na sa inyo bukas ng umaga. Wag mong sasabihin ito sa bata, I don't want him to worry." He said and left the house.

Saan naman yun pupunta? Gabi na ah.

Ano bang pake ko?

I decided to go to my room and started to pack my things.

I must go. Para sa akin, mas mabuti 'yon.

----

Kinaumagahan ay parang normal lang ulit ang routine namin. Pinaliguan at inayusan ko si Min Joon bago siya pumasok sa school. Kumain kami ng sabay-sabay pero walang nagsasalita. Hindi rin dapat malaman ni Min Joon na aalis na ako kapag nakaalis na sila ng Daddy niya mamaya.

Kanina ay patagong binigay ni Kai ang sweldo ko para sa mga buwang nilagi ko dito. At least may ibibigay ako pagbalik ko kay Mama, kesa naman wala. Maghahanap na lang siguro ulit ako ng trabaho pagdating ko doon.

"Mommy?" Ani Min Joon.

Napalingon naman akong tila blangko ang pag-iisip.

"Yes, anak?"

"I'm asking you po kung bakit wala yung sandwich ko sa bag ko?" Aniya.

"Ha? Eh I'm sorry anak, I forgot to make a sandwich." Hala nakalimutan ko na pala ang ginagawa ko.

"It's okay Mommy, you'll make one naman for me bukas hindi ba? I'm used to it na kasi eh." He replied.

Tumingin ako ng saglit kay Kai na napatigil sa pagkain niya. "Oo naman anak. I'll make two sandwiches pa nga eh." I gave him an assuring smile.

" Let's go na anak, we're both late." Ani Kai. Tumayo silang dalawa at humalik si Min Joon sa akin. Bago siya lumabas ay niyakap ko siyang muli at di ko na napigilan ang pagluha ng mga mata ko. Mamimiss ko siya, sila ng Daddy niya. Natalo ako, nafall ako kay Kai..naattached ako sa bata, at ngayon ako ang nalugi.

"Mom? Why are you crying?" Min joon gave me a worried look.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. Nakatingin lang sa amin si Kai.

I cupped Min Joon's face. "No I'm not crying, napuwing lang si Mommy. Don't worry." "Sige na, pumasok na kayo. Mag-iingat kayo ha." I said pero this time kay Kai na ako nakatingin.

"Bye Mom. I love you." He gave me one last hug before they left.

I was left crying.

----

"Manang, sinulat ko na po yung tamang sukat ng kape, asukal at creamer para kay Kai. If ever na wala ako at magpatimpla siya, malalasahan niya parin yung kapeng kinasanayan niya." Pagbibilin ko kay Manang habang gumagawa naman ako ng mayo spread para sa sandwich ni Min Joon.

"Ma'am, bakit naman po binibilin niyo sa akin 'yan? Saan po ba kayo pupunta? Aalis ka?" Tanong nito.

"Hindi naman po, bibisitahin ko lang ang nanay ko sa probinsya at hindi ko po alam kung gaano ako katagal doon." I smiled. "At ito nga po pala yung palaman para sa sandwich ni Min Joon, kayo na pong bahala."

"Mawalang galang na sayo Ija. Pero nakita ko kasi kayong nagtatalo ni Sir kagabi..'yun ba ang dahilan kung bakit ka aalis?" Nagulat ako sa sinabi ni Manang at napatigil ako sa ginagawa ko.

"Naku Manang..narinig niyo po ba ang pinag-uusapan namin?" Shocks! Alam niya na kaya?

"Hindi. Nakita ko lang kayo, nandun kasi ako sa may pool..alam mo naman kita ang living roon doon."

Wooh! "Ah ganun po ba? Wala po yun, may 'di lang pagkakaintindihan." Pagdadahilan ko.

"Kung ano man yang napagtalunan niyo, sana maayos niyo na yan. Hindi kasi makakabuti sa bata yun eh..sa sobrang tagal ko na kasi dito ay nakita ko kung gaano nahirapan si Min Joon noong wala ka at lagi namang wala ang Daddy niya. Kawawa naman pag nagkataong umalis ka na naman." She explained.

I nodded. "Huwag po kayong mag-alala, maayos din namin itong lahat." I gave her an assuring smile.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakokonsensya akong umalis pero ito ang gusto ni Kai, wala naman akong magagawa.

----

After kong mag-ayos ay nagpaalam na ako sa mga kasambahay nila Kai. Hindi na dapat ako maabutan ng mag-ama rito.

Hila-hila ko ang maleta ko palabas ng gate. Lumingon ulit ako at tumingin sa bahay nila. It's hard to say goodbye but I think hanggang dito na lang ang pagpapanggap.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon