Chapter 31 (The Greatest Gift)

9.1K 205 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at luminga-linga sa aking paligid. Ang pagkakaalam ko ay nasagasaan ako bago ako nawalan ng malay. Kailan ba iyon? Kahapon? Kanina? Noong isang taon? Nasaan si Kai? Si Min Joon? And dami ko agad na katanungan sa pagmulat pa lamang ng aking mata.



"Hyeon Ki? Gising ka na! Thank God" Nakita kong lumabas mula sa banyo si Kai at mabilisan lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.



"May masakit ba sayo?"



Iginalaw ko ng kaunti ang katawan ko upang makatayo. Pero naramdaman ko ang sakit sa kaliwang braso. At nang tingnan ko ito ay nakasemento ito. "Teka, wag ka munang gumalaw masyado. Di ka pa lubusang magaling."



"Gaano na ako katagal na nandito at nakahiga?" Tanong ko agad sa kanya.



"3 days."



Ano?! "Huh? Ganun katagal?"



Tumango ito. "Wag mo ng isipin yun, ang mahalaga ay gising ka na."



Bigla kong naalala si Soo Jin. "Nagkita ba kayo ni Soo Jin?"



Sumama ang timpla ng mukha niya nang itanong ko sa kanya si Soo Jin. "Pwede bang wag na nating pag-usapan ang tungkol sa taong may kasalanan ng lahat ng ito."



"W-walang kasalanan si Soo Jin, Kai... kasalanan ko dahil di ako tumingin sa dinaanan ko. Hindi niya kasalanan kaya wag mo siyang sisihin. So nagkita na nga kayo?"



Tumango siya. "So, anong naramdaman mo?" Tanong ko muli.



"Huh?"



"Anong naramdaman mo nang makita mo siya?"



He took a deep breath. "Kinabahan? Ewan ko. Nagalit, sigurado ako dun." Aniya.



I reached for his hand and gently squeezed it. "Natural lang ang pakiramdam na yan...nabigla ka dahil sa di inaasahang pangyayari ay nagkita kayo. But you see, kahit anong mangyari...magkikita't-nagkikita kayong dalawa. May bagay kasing nagkokonekta sa inyo...at si Min Joon yun."



"Not anymore. Hindi niya malalapitan ang bata."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon