Chapter 39 (My Lucky Star)

8.1K 188 6
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas ng magkaayos kami ni Kai at magkausap ni Daddy Jun Yeon. Sa mga araw na iyon ay pilit kong kinukumbinsi si Kai na kausapin ang kanyang ama. Pero lagi siyang nagmamatigas, but no..I won't give up. Magkakasundo rin sila.



"Kai, gusto kong bumisita sa bahay ng Daddy mo."



"Huh? Eh bakit ngayon pa? And you know that I don't like stepping into that house, right?"



"Gusto ko lang naman siyang kamustahin. Alam mo bang may sakit na siya ng ilang araw at hindi na nakakalabas ng bahay?"



"A-ano? Bakit hindi ko alam yan? Ang alam ko ay pumapasok siya sa opisina."



"Uy...nag-aalala siya." Panunukso ko sa kanya.



"S-sino namang nagsabi?" Asus naman tumatanggi pa eh huli na!



Tiningnan ko siya sa mata ngunit pilit itong umiiwas. "See? Ni hindi ka nga makatingin sa mata ko ng daretso. Papa mo siya, kaya kahit anong tanggi mo dyan eh hindi kita paniniwalaang hindi ka sa kanya nag-aalala. Kahit na hindi kayo okay na mag-ama, responsibilidad mo parin ang alagaan siya at natural lang na ikaw ang kasama sa mga panahong ganito."



"Kinaya niya naman ng magkahiwalay kami sa mahabang panahon. Kaya nga siya nag-iisa ngayon dahil sa kagagawan niya. Kaya alam kong kaya niya yan."



"Yan ba ang tingin mong talaga? Sa tingin mo ay ginusto niyang mamatay ang Mama mo at isisi sayo ang pagkamatay ng Kuya mo? Tatay mo siya, ilang beses ko na sayo'ng sinasabi yan. Maybe may mali siya sa mga nangyari pero hindi iyon ang kagustuhan niya. Walang ama ang hihilingin na mawasak ang kanyang pamilya. Kung meron man, hindi siya worth it na maging isang padre de pamilya. Sa totoo lang, ang mga nangyari sa inyo ng Papa mo ang nagpapatatag sa'yo. Look at you, hindi mo lang alam pero isa kang mabuting ama kay Min Joon. Yes, you're always busy at work pero nakita ko sa pagdating ko kung gaano kabuti ang naging ugali ng anak mo. Marunong siyang makuntento sa kung ano lang ang meron siya. Marunong siyang maghintay. At lahat ng iyon ay dahil sa'yo na nakuha mo sa mga nakaraan mo. Natakot kang maging katulad ng batang si Kai na kulang sa suporta mula sa kanyang ama kaya naman sinikap mong pagbutihan kahit nag-iisa ka lang at walang ina ang anak mo. Hindi ko sinasabing maganda ang mga masamang nangyari sa inyo, pero kita mo ba? Masaya naman tayo hindi ba?" I held his face. "Matanda na ang Papa mo, yan ang katotohanan. Kaya naman mas kailangan ka ngayon. Ikaw ang dapat mag-alaga sa kanya dahil ikaw na lang ang meron siya pero syempre kasama na rin kami ng mga anak mo. Kaya please...mag-usap na kayo. Hinihintay ka niya, araw-araw na sana ay mabuksan ang puso mo sa pagpapatawad."



"Ano bang pagkain para sa may sakit?" Biglang tanong nito na nagpangiti naman sa akin.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon