Ito na ang pangatlong araw ko na sa pagpapanggap bilang ina ni Min Joon. Lagi lang akong nasa bahay at naglilinis minsan ng kwarto ni Min Joon kapag nasa school na siya. Naging ka-close ko na rin ang mga katulong dito, lalo na si Manang. Ang alam lang nila ay nandito ako para sa bata at hindi para kay Kai. Kaso parang may love team silang binubuo, dahil sabi nila mas masaya daw kung magiging kami ulit ni Kai. Kung alam lang nila ang totoo, hindi ko siya ex at mas lalong ngayon lang naman kami nagkakilala.
"Mommy!" Patakbong pumasok ng kwarto ko si Min Joon.
"Yes baby?"
"Good morning po! Maaga po akong gumising ngayon para tulungan ko si Manang na gumawa ng pancakes for you and Daddy." He replied habang hinahalikan ang pisngi ko ng sunod-sunod.
Medyo natawa naman ako dahil nakasampa siya sa kama ko at panay ang talon.
"Okay okay. Mommy will just fix herself okay? Susunod na ako sa baba, andun narin ba ang daddy mo?"
"Yes mom. Kaya po ako maagang gumising dahil gusto ko siyang makasabay mag-almusal." Tumigil ito sa pagtalon at umupo sa gilid ng kama.
Nilapitan ko siya at niyakap patalikod. "What's wrong? Noong wala pa ba ako dito, hindi kayo nagsasabay mag-almusal?"
"Opo. He always go to work early, I always wake up na hindi siya nakikita. Then sometimes, he'll go home late, di man lang niya ako natuturuan ng homework, si manang ang tumutulong sa akin kaso hindi naman siya magaling sa English!" Natawa naman ako sa pagbanggit niya kay manang.
"Don't worry baby, Mommy is here na okay. I'll be the one to help you with your homework from now on." I smiled.
"Really, Mom?" Lumiwanag ang mukha niya at muling tumayo sa kama.
"Yes, Promise. Kaya pumunta ka na sa baba at puntahan mo si daddy mo. Susunod ako."
"Okay po. See you mom." He kissed mo on my cheeks again before he left the room.
Nakakatuwa talaga ang batang yun. Mabuti na lamang at sa ganoong klase na bata ako napunta at hindi sa mga spoiled brat na gaya ng ibang mayayaman. Kahit na walang time si Kai sa anak niya, I guess maganda parin ang pagpapalaki niya kay Min Joon. Naiintindihan ko na kung bakit naghanap si Kai ng magiging Mommy ni Min Joon.
Bumaba na ako sa dining area at nakita kong nakaupo si Kai habang nagbabasa ng mga kung anong files at umiinom ng kape.
"Good morning." Bati ko habang umupo sa right side niya, sa center kasi siya nakaupo. Haring-hari ang dating.
Tumingin lang ito ng saglit sa akin at tumango. Ganito ba talaga siyang bumati sa mga tao, tango lang? Boooooring. Kaya siguro iniwan.
"Mom, you're here. Hi daddy, kain na po tayo.. tumulong ako kay Manang para gawin 'to." Pumasok si Min Joon mula sa kusina na dala ang isang pinggan na may pancakes. Inilapag niya ito sa lamesa at umupo siya sa left side ni Kai.
"Wow mukhang masarap yan a." Sabi ko habang kinuha na ang fork ko.
"Wait mommy." Ani Min Joon na pumigil sa akin sa pagkuha ng pancake.
"Why?"
"May sasabihin po ako sa inyong dalawa."
"What is it, son?" Tanong ni Kai.
"This was my first time having breakfast with both of you. So this was what my friend was telling me, the feeling of fulfillment.Thanks Dad that you brought back my Mom." Tumayo ito niyakap si Kai.
"Daddy?"
"Yes anak?"
"Pwede po bang humingi ng favor?"
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...