Chapter 9 (Movie Date)

14.7K 312 5
                                    

Kinabukasan ay napagdesisyunan na ni Kai na bumalik na kami sa Seoul. Medyo may pag-aalinlangan pa ako dahil gusto ko pang makasama si Ate at Mama. Ngunit kailangan kong magtrabaho ulit kay Kai para sa amin, sa ngayon kasi ay wala pang trabaho si Ate.

"Mag-iingat ka doon ha. Wag mong kalimutang tumawag." Bilin ni Mama.

"Oo naman Ma, basta ipangako mo rin na magpapagaling ka at wag magpapasaway kay Ate okay?" Sagot ko.

Tumango siya.

"Hoy Bunso, dito ka nga muna saglit." Ani Ate at hinila ako palayo kay Mama at Kai.

"Bakit ba Ate? Kung makahila ka." Sabi ko.

"Ikaw ha! Naku baka naman may something sa inyo niyang amo mo? May gusto ka sa kanya ano? Anong nangyari kagabi?"

"Ate, alam mo ang praning mo! Walang nangyari noh..natulog agad kami." Sagot ko.

"Weh? Pero may gusto ka sa kanya?" Tanong nito. Natigilan naman ako sa sinabi niya, gusto ko ba si Kai?

"Sabi ko na nga ba eh! May gusto ka sa kanya!"

"Hindi noh. Hindi pwede. Gagaya pa ba ako sayo? Naku Ate nakakadala na. Di ba katulad ni Lloyd hindi sila magkasama ng ina ng anak niya? Magkakasakitan lang kami niyan." Sagot ko.

"Sakit ha. Dinamay ako? Ikaw nagsabi niyan, wala kang gusto sa kanya. Baka kainin mo rin yan pag nagkataon, tandaan mo..ina ka na ngayon ng anak niya." Ani Ate.

"Oo ate alam ko. Wag kang mag-alala."

"Excuse me? Hyeon Ki, let's go? Baka gabihin tayo sa daan." Si Kai.

"Ay sige andyan na." Sagot ko.

Niyakap ko si Ate at Mama bago sumakay sa kotse.

"Paki-ingatan na lang si Hyeon Ki para sa amin ha, Kai." Huling bilin ni Mama.

"Yes po. Simula ngayon, ako na po ang bahala sa anak niyo." Sagot nito.

Is it me or may ibig sabihin talaga yun?

-----

"Mommy?!" Pagkabukas ko kasi ng pinto ay nakita agad ako ni Min Joon.

Tumakbo ito papunta sa akin at bumaba ako ng konti para maglebel kaming dalawa. Agad naman akong niyakap ni Min Joon. "Hey there my little prince, you missed me?" Tanong ko.

"Yes Mom, so much. Did Dad fetched you from work?" Tanong nito.

Kumunot naman ang noo ko at nagtataka kaya naman tumingin ako kay Kai na kasakukuyang nasa likod ko.

He gave me look telling me to just say yes.

Humarap ulit ako kay Min Joon ngumiti. "Yes anak, sinundo ako ni Daddy mo sa WORK."

"So you're not going anymore? You'll stay with us for good?" He asked.

"Hmmm..."

"Yes your mom will stay." Kai cut me off.

"Yes! How about a movie? Let's watch mommy!" Pag-aya niya.

"Of course naman call ako dyan." Sabi ko.

"How about you Dad? You want to join us?" Tanong nito sa Daddy niya.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon