Chapter 35 (Confusions)

7.5K 169 5
                                    

It's 9 in the evening but still, wala parin si Min Joon at Soo Jin. Sinundo ni Soo Jin kanina si Min Joon para mamasyal at buti na lang ay pumayag ang bata. Hanggang sa oras na ito ay wala din si Kai, hindi maganda ang huli naming usapan kaya naman gusto ko siyang makausap para humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko kanina.



"Oh, bakit gising ka pa Hija?" Tumingin ako kay Manang na lumabas mula sa kitchen.



"Ah kasi po..hinihintay ko lang si Min Joon at Soo Jin. Si Kai din po hinihintay ko kasi mukhang masama ang loob niya sa akin ngayon eh."



"Kung man ang napagtalunan niyo anak, maayos din yan. Hindi ka matitiis ni Kai. Tsaka wag ka ng mag-alala, sabay-sabay naman silang dadating dito."



"P-po?"



"Hindi ba nabanggit sayo ni Kai na sumunod siya sa mag-ina? Sinamahan niya yung dalawang mamasyal."



M-magkakasama silang tatlo? Bakit hindi niya sa akin sinabi?



"Mukhang hindi niya nga nasabi sayo. Wag kang mag-alala at uuwi na rin sila." Aniya ng mapansin ang pagkagulat ko.



Hindi ko naman alam na sumama na pala si Kai sa kanila. At least sinunod niya ang sinabi ko, maganda na yun para naman makabawi sila sa oras.



Pero hindi na obligasyon ni Kai na bumawi... wala na silang relasyon at tanging si Min Joon na lang ang dahilan para mag-usap sila.



Bulong ng isip ko. Pero hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano..natural lang yun at walang masama sa ginagawa nila.



"Sige anak, matutulog na ako ha..maaga pa kasi kami bukas para sa trabaho dito. Basta pagdating nila ay matulog ka na." Bilin ni Manang bago siya pumasok ng kanyang silid.



Pumunta muna ako sa kusina upang uminom ng gatas. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa living room at sumilip ako mula sa kusina. Nakita ko si Min Joon na may hawak-hawak na mga laruan at malapad ang ngiti. Sumunod sa kanya si Soo Jin at Kai na nakangiti sa isa't-isa...mukhang okay na sila. Mabuti naman.



Narinig ko si Kai na kinausap si Min Joon. "Anak, magpahinga ka na ha. May pasok ka pa bukas, go to your room at baka hinihintay ka na ng mommy mo."



Agad namang sumunod ang bata at naiwan sila doon na nakatayo. Gusto kong lumapit sa kanila upang bumati ngunit parang may nagsasabi sa akin na huwag at hayaan na lang silang makapag-usap. Tumayo ako sa may pagitan ng kusina at living room para hindi nila ako mapansin.

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon