Chapter 34 (Trust vs. Mistrust)

8.1K 174 5
                                    

Nang matapos ng mag-usap si Kai at Soo Jin ay pinababa na naming muli si Min Joon. Ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang katotohanan.



"Anak, may sasabihin kasi kaming lahat sayo...sana maintindihan mo."



"Ano po ba yun Mommy?"



"Si Daddy mo ang dapat magsabi, makinig ka sa kanya ng mabuti, okay?"



Masunurin naming tumango si Min Joon at tumingin sa Daddy niya. Hinawakan ko ang balikat ni Soo Jin na kasalukuyang katabi ko.



"Anak, di ba alam mo na naman na hindi si Mommy Hyeon Ki ang tunay mong ina?"



"Opo, pero siya na po ang Mommy ko. Naiintindihan ko yun."



Mukhang mahihirapan ata kami nito ah. "Kasi anak, bumalik na ulit yung tunay mong mommy. And she wants to meet you."



Hindi sumagot si Min Joon at nauna ang pagpatak ng kanyang luha. "Please, wag kang umiyak anak." Malambing na sabi nito.



"Anak, si Tita Soo Jin ang totoo mong mommy." Dagdag nito.



Lumapit si Soo Jin kay Min Joon pero hindi ko makita ang saya sa mukha ng bata.



"Bakit po bumalik pa yung mommy ko, eh di ba iniwan niya na tayo noon Daddy? Andito na naman si Mommy Hyeon Ki ah...bakit kailangan ko pa siyang makilala?" Umiiyak na saad nito sa Daddy niya. Tila ba hindi niya nakikita si Soo Jin at kami lang ang tinitignan niya.



Pati kami ni Soo Jin at di naiwasang maluha. Lumuhod ako sa harap ni Min Joon at hinaplos ang mukha nito. "Little prince, please understand. Hindi mo ba gustong makilala si mommy mo? Binalikan ka naman niya eh, babawi siya sa mga araw at taong wala siya. Ayaw mo bang maging normal ang buhay mo katulad ng ibang bata na kasama ang tunay nilang ina?"



"Pero mommy, normal naman ako ah. Masaya akong kasama ko kayo ni Daddy. Hindi ko na siya kailangan!"



"Min Joon!" Kai.



"Totoo naman po Daddy...si Mommy Hyeon Ki hindi ako iiwan."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon