Chapter 14 (Dark Side)

12.9K 271 3
                                    

"Jeongmal? Talaga? Payag ka?"

"Don't get me wrong pero siguro nga tama ka. Kung idedate kita posibleng malayo ang loob ko sa kanya..pero are you sure na okay lang sayo na gamitin kita?"

"Ayos lang sa akin. Besides bored ako." He laughed.

" Loko ka talaga!" I smirked. "Pero may favor lang ako."

"Ano yun?"

"Ayoko sanang malaman ito ni Min Joon at Jae Hee. Arasseo?" I said.

" Bakit?"

"Ayoko lang kasing masali sila dito. And I'm sure kapag nalaman ni Min Joon ito ay masaktan siya dahil hanggang ngayon ay umaasa siyang maging kami ng Daddy niya. And worst baka mag-away sila ng pamangkin mo. You know how close they are hindi ba? Ayoko lang ng mangyari yun." I explained.

"Arasseo. Wag kang mag-alala hindi natin ipapaalam sa kanila ito. I'm just doing this as your friend not because I have feelings towards you." He smiled.

"Salamat." I replied.

"Gabi na..hindi ka pa ba uuwi?" He asked.

"Uuwi na ako baka nga hinahanap na ako ni Min Joon. Baka isipin niyang umalis na naman ako, he'll cry again for sure."

"Napalapit ka na talaga sa kanya noh? Ayaw niyang mawala ka."

"You're right kaya nga kahit gusto kong umalis na lang para matakasan ang nararamdaman ko kay Kai ay hindi ko maatim na gawin dahil alam kong masasaktan si Min Joon, kahit ito lang ang dapat kong gawin." I faked a smile.

"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo."  He said.

" Hindi ko yan tatanggihan dahil wala akong pera." I said and just laughed.

"Okay. Let's go, andun ang motor ko." Nauna na siyang malakad.

"Teka? Motor ang dala mo? Hindi kotse?" Nagtatakang tanong ko..

"Bakit? Wala naman akong binanggit kanina na kotse ang gamit ko ngayon ah. Pinadala ko yung motor ko sa school para mas madali ko kayong masundan kanina. Ano? Tara na."

I nodded. Nang makarating kami sa kung saan nakaparada ang motor niya ay inabutan niya ako ng helmet. "Here you go. Wear this."

Kinuha ko ito sa kanya at sinuot agad. "Thanks."

Sumakay na siya sa motor niya pero nakatayo parin ako. Parang ang hirap naman sumakay doon, saan ako hahawak? Baka mahulog ako.

"Hey, hindi ka pa ba sasakay?" He asked.

"Ah sorry. Sige sasakay na ako." I climbed to his motorcycle pero hindi ko alam kung saan ako kakapit.

"Humawak ka sa akin. Baka mahulog ka, hindi pa nga tayo nakakapagdate eh." Kinuha niya ang kamay ko at ipinalibot ito sa bewang niya.

"Okay let's go. Kapit ka lang ha." He said then I just nodded.

Sinimulan niya ng patakbuhin ang motor at sa una ay medyo natatakot ako na mahulog pero nagsalita siya. "First time mong umangkas sa motor ano? Kumapit ka lang." Bigla niyang pinabilis ang takbo.

"Yah!! Dahan-dahan naman! Para akong liliparin!" I yelled.

Tumawa siya ng malakas. "Ganyan dapat para joy ride. Dahil first time mo itry mong itaas ang isa mong kamay at pakiramdaman mo ang hangin." Aniya.

Dahan-dahan kong ginawa ang sinabi niya. "Para akong lumilipad! Ang galing!"

"See? Astig di ba? Okay kumapit ka na ulit ng mabuti, bibilisan ko na."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon