Kai's P.O.V.
Katatapos ko lang pirmahan ang dokumentong kailangan para sa expansion ng hotel namin. Medyo natagalan nga lang dahil biglang may dumating mahalagang guest sa hotel at nakakahiya naman kung hindi ko makausap ang mga ito. Pagkatapos ng pag-uusap ay dali-dali akong bumalik sa aking opisina para kunin ang susi ng kotse.
Sa pagmamadali kong mahawakan ang susi ay ikanagulat ko ng madanggil ko ang nakapatong sa lamesa. Agad kong inangat ang nakataob ng litrato ngunit mas lubos kong ikinagulat ang basag ng picture frame na may larawan ni Hyeon Ki. Biglang umusbong ang kaba sa aking dibdib. Hindi pa natapos ang kaba ng biglang mag-ring ang phone ko kaya naman agad koi tong sinagot.
"Yoboseo?"
Muli, ay nabitawan ko na naman ang pinulot kong larawan sa narinig ko mula sa kabilang-linya. "Hyeon Ki..." Yun ang huli kong nasabi bago ako tumakbo palabas ng gusali.
Lord, please save her! Siya na lang ang meron kami ni Min Joon ngayon.
----
Soo Jin's P.O.V.
Paikot-ikot akong lumalakad dito sa labas ng operating room ng ospital. Kasalanan ko ito, kung hindi ako tumakbo at kinausap ko na lang sana si Hyeon Ki ay hindi siya masasagasaan.
Kanina noong hinahabol niya ako ay sobrang natakot talaga ako. Hindi dahil siya ang mapapangasawa ni Kai, kundi ayaw kong makilala ng lubos ang babaeng magiging ina ng anak ko. Ayokong ipamukha mismo ng sarili ko sa akin na makasarili akong ina kaya walang pakundangan akong umalis sa piling nilang mag-ama. Nang makatawid ako sa intersection ng mga panahon na yun ay labis kong ikinabigla ang lagabag kung saan ako nagmula. At nang lingunin ko kung ano ang meron doon, isang duguang Hyeon Ki ang aking namataan. Walang malay, nakahiga at may nakahintong truck sa harapan. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ko noon kaya't dali-dali akong bumalik sa kanya at sumigaw ng tulong habang kalong-kalong ko siya sa aking mga bisig. Kapag naaalala ko yun ay nagagalit ako sa sarili ko napara bang gusto ko na lang maglaho sa mundo.
"Tinawagan ko na si Kai. Pupunta na siya dito any time soon, kailangan na nating umalis...makakasama sa inyong dalawa kung magkikita kayo sa ganitong sitwasyon." Ani Dana. Siya ang una kong tinawagan nang makarating kami ni Hyeon Ki galling ospital lulan ng isang ambulansya.
"Hindi...Hindi ako aalis hanggang di ko nalalaman ang kundisyon ni Hyeon Ki. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya kaya kailangan kong masiguradong okay na siya pagkatapos ng operasyon. Kailangan kong mag-sorry sa kanya."
"Kumalma ka nga dyan, Soo Jin. Alam mo ba ang gulong papasukin mo kapag nalaman ni Kai na ikaw ang hinahabol ni Hyeon Ki bago siya masagasaan? At aksidente ang nangyari, walang may kagustuhan noon."
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...