Nang makaalis na sila Kai at Min Joon patungong school at trabaho ay naligo na ako. Sinabi ko kay Kai na mag-gogrocery ako para may magawa naman ako habang wala sila. Tsaka bibili na rin ako ng t-shirt naming tatlo para sa family day, dapat kasi bawat family ay same shirt color. Though sabi ni Kai na wag na daw ako mag-grocery dahil may mga katulong naman ay pinilit ko siya.
"Manang aalis na po ako." Pagpapaalam ko kay Manang.
"Sige Ija. Teka, okay lang ba ang kwarto mo?" Tanong nito.
"Po? Oo naman po." Sagot ko.
"Kasi baka lang may nabago sa pagkakaayos. Nung wala ka kasi, pinapalinis sa akin yun ni Kai araw-araw. Ang bilin niya ay kung ano ang ayos noong umalis ka dapat di yun mababago." She explained.
"T-talaga po?" Bakit naman hindi pwedeng magulo yun? Sa akin ay ayos lang naman yun.
"Oo, gusto niya ako lang ang mag-lilinis noon at hindi ang ibang katulong."
"Okay naman po ang kwarto. Tsaka hindi naman po kaso sa akin kung mabago ang ayos ng mga gamit dun, ang OA naman ni Kai." Tumawa ako kaya pati si Manang ay natawa na rin.
"Ah ganun ba Ija? Sige umalis ka na para makabalik ka agad, magluluto ako ng tanghalian para sayo." Aniya.
"Osige po. Salamat." Sagot ko.
Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng masasakyang cab. Exclusive subdivision kasi ito kaya mahirap maghanap ng masasakyan.
----
Pagkarating ko sa mall ay bumili na ako ng t-shirt para sa amin at pagkatapos nun ay nag-grocery na ako. Halos lahat ay nabili ko na bukod sa cabbage kaya naman tinulak ko ang cart ko patungong vegetable section.
Iilan na lang ang maganda at fresh na cabbage. Nang may makita akong isang maganda ay agad ko itong kinuha pero may isa pang kamay na humawak dito.
Tumigin ako sa kanya. Matangkad at manly na lalake. Mukha siyang bad boy dahil sa naka-leather jacket at nakasuot ng shades ito, pero gwapo at malinis tingnan.
"Excuse me? Nauna ako sa cabbage." Sabi ko.
"Anong nauna ka? Ako kaya, kanina pa ako rito." Aniya. Tinanggal niya ang shades niya. He smirked.
"Ako kaya ang nauna!" Hinihila ko ung cabbage pero di niya binibitawan at hinihila niya rin ito mula sa akin.
"Nag-iisang fresh na cabbage yan kaya akin yan. Bitawan. Mo. Na." Malumanay niyang sabi.
"Pag fresh, sayo dapat? Akin toh, ladies first!" Sabi ko.
He laughed. "Oo, katulad mo..mukha kang fresh kaya naman akin ka na rin."
"Ano?! Kapal mo. Akin na kasi toh." Loko ayaw bitawan.
Para kaming nagtatag-of-war gamit ang cabbage.
"Excuse me po." Pagsingit ng isang sales lady.
Napatigil naman kami bigla sa hilahan at tumingin doon sa babae.
"Mukhang nagtatalo po kayo dyan sa cabbage, meron po akong dalang mga bagong cabbage, baka gusto niyo po." Aniya. Pareho kaming napatingin sa cart ng cabbage sa likod niya.
"Ay ayan naman pala may bago, ate naman bakit di mo agad sinabi?" Sabi ko. Kumuha ako ng isa pati narin yung lalakeng cabbage.
Nagkatinginan kami ni cabbage girl at sabay na lang kaming tumawa bigla.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...