Chapter 29 (When Fate Plays)

8.9K 169 1
                                    

"Anong gagawin mo kapag nalaman mo kung nasaan ngayon si Soo Jin?" Napahinto si Kai sa pagchecheck na mga invitations para sa kasal sa bigla kong tinanong.



"Ano ba namang tanong yan Hyeon Ki? Akala ko ba tapos na tayo sa issue na yan?"



"Sorry, hindi ko lang kasi maiwasang magtanong. Sige wag mo nang sagutin."



"Natanong mo na... gusto mo bang sagutin ko na lang?"



Tumango ako. "Wala."



"Wala?"



"Wala akong gagawin kahit pa malaman ko kung nasaan siya ngayon. Maraming beses ng tinangkang sabihin sa akin ni Dana ang tungkol dyan pero ano? Di ba hindi ako nakinig? Bakit? Kasi ayoko nang malaman pa. What for? There's no sense right." Sagot nito.



"Im sorry kung nagtanong pa ako. "



"Okay lang. Ngayon, ang dapat nating isipin ay ang pagpapadala ng invitations sa mga bisita. Ikaw ba may padadalhan ka bang kamag-anak?" Pag-iiba nito ng usapan.



"Wala naman. Yung mga kamag-anak kasi namin sa side ni Papa ay hindi namin alam kung nasaan..lumaki kami ni Ate na walang kamag-anak bukod sa mga magulang namin. Si Mama naman ulila na, matagal na kaya wala narin siyang balita sa mga kamag-anak niya."



"So puro relatives and friends ko na lang pala ang iinvite natin? How about your friends? Sinong mga iimbitahin mo?"



"Si Tao." Sa pagsabi ko ng pangalan ni Tao ay nagbago ang timpla ng mukha niya.



"Alam ko naman na kasali yun sa listahan mo..mukha ngang number 1 pa yun. So, wala na bang iba?"



"Wala na. Wala naman akong masyadong kaibigan noong high school at college bukod sa isa kaso nasa America na siya."



"Ang boring ng school life mo." Pang-aasar niya.



Umismid ako. "Edi boring na kung boring! Ang yabang mo kasi eh porket ikaw... maraming nakakasama na kung sinu-sinong babae kaya ni minsan hindi ka na-bore."

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon