Chapter 38 (Promise)

8.4K 176 5
                                    

Tulog na ng makarating kami ni Min Joon sa bahay kaya naman hinatid ko na siya sa kanyang kwarto. Dumaretso na ako sa kwarto namin ni Hyeon Ki. Kung dati ay hiwalay kaming natutulog, ngayon ay napagdesisyunan na naming magsama sa kwarto ko. Magkakaanak na kami at ikakasal na kaya ano pang masama maghiwalay kami ng kwarto? Ngunit kung ganito kami araw-araw na walang kibuan, hindi ko ito kakayanin kaya kakausapin ko na siya. I won't sleep until we fix the issues between us.



"Hyeon Ki?" Weird. Bakit wala pa siya dito? San kaya pumunta iyon? May dinaanan pa ba siya mula sa trabaho?



"Andyan ka na pala." Nagulat ako ng biglang pumasok si Hyeon Ki na may dalang kape.



"Nagulat mo ako."



"Pasensya na. kakarating niyo lang ba? Nasa may pool kasi ako kaya di ko napansin ang pagdating niyo. Si Min Joon? Teka pupuntahan ko mu-"Aniya ngunit pinigilan ko siya ng akmang lalabas siya ng pintuan.



"Tulog na siya. Wag mo ng puntahan, napagod siya sa pamamasyal."



"Ahh."



May saglit na katahimikan sa aming dalawa. "Ito nga pala, sayo na lang itong kape." Sabi nito.



Inabot niya ito sa akin at agad ko namang kinuha. "Salamat."



"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabay naming sabi.



Tumawa kami. "Sige, ikaw muna." Sabi niya.



"Hindi, ikaw muna. Ikaw ang babae eh." Tugon ko.



"I'm really sorry. Sorry kung ginulo kita dahil sa magulong kong isip. Masyado akong worried sa mga bagay-bagay at hindi ko na alam kung paano ko ihahandle. Yung kay Soo Jin, pasensya ka na talaga. At ngayon ay naiintidihan ko na, hindi dapat ako nagreact ng ganun. Ina siya ng anak mo kaya kahit anong mangyari, magkakasama talaga kayo. Hindi ko kasi alam eh. Gusto kong maayos kayong tatlo kaso lang natatakot akong maiwan kami ni Baby. Hindi ko lang siguro kakayanin."



Pinunasan ko ang mga luhang lumabas sa kanyang mga mata.



Hinila ko siya palapit sa akin. Idinikit ang ilong ko sa kanya. " Naiintindihan na din naman kita eh. Dapat mas naging bukas ang isipan ko sa sitwasyon mo. Wala kang kasalanan, natural lang na ganyan ka lalo na't buntis ka ngayon. Imbes na samahan kita sa paghihirap mo sa pagbubuntis ay mas lalo ko pang pinasama ang loob mo. I'm sorry. At yung kay Soo Jin..w-wala na iyon. Nag-usap na kami at sinabi ko sa kanya kung kelan lang ako makakasama sa mga lakad nilang mag-ina dahil bukod kay Min Joon, responsibilidad na kita pati na rin ang magiging anak natin. I must prioritize you more than my work and other things, because soon you'll be my wife." Seryoso kong saad

Be My Son's Mom (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon