Hinatid namin si Min Joon sa school niya bago kami pumunta sa Daddy ni Kai. Sobrang nakakadepress dito sa sasakyan, naiilang na ako kay Kai simula ng nangyari sa kwarto niya kagabi. Baka iniisip niyang nagustuhan ko ang kalandian niya. >_<
"Bakit ang tahimik mo? Baka mapanis yang laway mo." Aniya
Aba! Antipatiko ito ah!
"Di ba mas pabor sayo yung tahimik ako? Tsaka baka pag nagsalita pa ako, mapasobra, kung ano pang matanong ko sayo." Sagot ko.
"You're right. I rather let you shut up." Sagot nito. Sa loob ko, pinapatay ko na siya.
Napakasama kasi ng ugali..alam niyo bang last time na nagluto ako ay iniluwa niya ang pagkain at sinabing ang panget daw ng lasa. Sabi naman ni Manang at Min Joon ay masarap naman daw! Anong problema niya sakin?!
----
Seryoso ang tingin sa akin ng Daddy ni Kai. Para bang hinuhusgahan niya na ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Mabuti naman at binalikan mo ang anak ko." Aniya.
"Dad, she's not back for me, it's for our son." Sabat ni Kai.
"Well, buti at binalikan mo pa ang anak mo."
"Bilang isang ina ay hindi ko po kayang tiisin ang anak ko. Ngayon ay babawi ako sa 7 years na nawala ako sa tabi niya." Sagot ko.
"Mabuti naman at naisip mo yan, dahil sayo ay hindi ganun nakakapagfocus si Kai sa business dahil sa pag-iintindi sa apo ko..which I conclude, it is your responsibility at the first place." May pinagmanahan si Kai.
"Dad. Don't be rude." Ani Kai.
"Kai, don't call me rude. Matagal akong nanahimik ng mabuntis mo ang babaeng yan. At ngayon na bumalik na siya it is time na bumawi ka sa akin."
Hala. Nag-aaway ba sila? Mr. Kim's eyes are scary.
Tumayo si Kai.
"Dad, nanahimik ka nga ba talaga?! Oo, hindi ka nga nagsasalita sa loob ng 7 years pero tahimik mong pinaparamdam na wala akong kwentang anak! Puro si Kuya ang maganda sa paningin mo. Siya ang paborito, ni wala ka ngang planong ibigay sa akin ang parte ng kumpanya noon! Pero ng mawala si Kuya, you have no choice but to let me handle the business. I was never your son, I'm just your follower." Sigaw nito sa ama.
Halata namang nagulat si Mr. Kim sa naging tugon ng anak. And may kapatid si Kai? Hindi ko yun alam..well, wala naman talaga akong alam dahil walang plano si Kai na i-share ang talambuhay niya sa akin.
"Kasalanan ko bang naging pariwara ako noon dahil sa panloloko niyo kay Mommy?! Isa kang halimbawa kung ano ako noon kaya ngayon nasa tapat mo si Hyeon Ki..ang babaeng nabuntis ko!" Dagdag nito.
"Kai! Don't you dare talk to me like that! I'm your dad!" Tumayo din si Mr. Kim at dinuro ang anak. Nanatili naman akong nakaupo at nakatingin sa kanila.
"I'm sorry Mr. Kim, but I'm not your son. Hindi ka nagkaroon ng anak na hindi mo tinanggap."
Hinila niya ang braso ko bigla.
"Let's go Hyeon Ki. Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito." Aniya at lumabas ng pinto habang hila-hila ako.
---
Dinala ako ni Kai sa isang mumurahing restaurant at umorder ng sangkatutak na Soju. Kailangan niya siguro ito kaya sasamahan ko na lang siya hanggang sa mailabas niya ang sama ng loob niya.
"Hoy Hyeon-Ki. Hindi ka ba iinom?" Tanong nito sa akin na parang awan na gumegewang sa kinauupuan niya.
"Hindi. Kasi kapag ginawa ko yun, walang magmamaneho pauwi. Lasing ka na kaya." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Be My Son's Mom (Editing)
FanfictionFor him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fake mom for his son is the solution. And I guess...this is where the story started. It began when he u...